MANILA, Philippines – Panoorin ang Vilma: A Woman For All Seasons sa lahat ng Sabado ng Agosto, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN 2.
* * *
Ngayong malaya nang makalalabas si Antonio, itutuloy na raw niya ang panunuyo kay Lolita. Papayuhan ni Roberto ang anak na billisan bago pa man maunahan ni Zorro (Richard Gutierrez) sa puso ni Lolita (Rhian Ramos).
Muling pag-uusapan nina Nana Zita At Lolita si Zorro at si Antonio. Napapansin na ni Lolita na sa tuwing nariyan si Zorro ay wala naman si Antonio kaya muling maaalala ni Lolita ang halik sa kanya ni Zorro sa isla. Hindi nga raw kaya na si Zorro at si Antonio ay iisa?
Nang mga sandaling iyon ay nagdududa na rin pala si Ramon na si Antonio ay si Zorro. Mapagkukumpara niya ang istilo ni Antonio sa naganap nilang huling laban at sa mga istilo ni Zorro.
Walang sawang binantayan ni Juana si Bernardo kaya’t nang magkamalay si Bernardo ay unti-unti na ngang nabuo ang magandang pagtitinginan ng dalawa.
Pupuntahan ni Ramon si Gov. Argon at sasabihin dito ang kanyang kutob na si Antonio at si Zorro ay iisa.
Hahandugan ni Antonio si Lolita ng orkidyas. Paaaminin ni Lolita si Antonio kung ito nga ba si Zorro. Masusukol si Antonio kaya’t mapipilitan na nga siyang aminin ang totoo kay Lolita. Maririnig ni Ramon ang pag-amin ni Antonio. Pagbabarilin sila ng mga kasamang guardia civil ni Ramon. Masasaksihan ni Antonio ang pagkamatay ni Lolita sa harapan niya.
Sa utak lang pala ni Antonio ang lahat ng ito. Dahil sa takot sa posibleng kahinatnan kung siya ay aamin kay Lolita ay itatanggi niya pa ring siya si Zorro.
Ikukuwento ni Antonio kay Pepe ang pagtatanong ni Lolita kung siya nga ba si Zorro at ang mariin niyang pagtanggi rito. Nang makatulog ang dalawa ay hindi nila namalayang nakatakas na pala si Julio at nakuha na nito ang espada ni Zorro. Itatarak na sana ni Julio kay Antonio ang espada nang bigla itong bumulagta. Si Cara pala ang nakapatay dito.
Sa pagpupulong ng mga Caballeros ay isasama ni Zorro si Cara at ipakikilalang magiging kanang-kamay na niya ang dalaga. Tututol ang ilang miyembro subalit dahil ginarantiyahan naman ni Zorro kay Don Rosso ang katapatan ni Cara ay tinanggap na rin nila ito.
Susundan ni Silverio ang bawat miyembro ng mga Caballero at mahahayag sa kanya ang tunay na katauhan ng mga ito: si Don Carlos, si Padre Felipe ay napagtanto nila na ang babaeng Caballero na nasugatan noon ay nagngangalang Juana kasama ni Bernardo na naninilbihan sa mga Pelaez. Ang lahat ng ito ay iuulat niya kay Ramon. Babalaan ni Bella si Antonio na mag-ingat ‘pagkat alam na raw ni Ramon na ito si Zorro at lahat ng paraan ay gagawin ng kapitan mapatunayan lang ito sa gobernador.