Ara at Cristine magka-away na naman; Aljur si Rich Asuncion ang tunay na mahal

Seen :

Magkagalit uli ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes. Hindi sila nag-uusap.

Scene : Si Rich Asuncion ang tunay na mahal ni Aljur Abrenica. Matatag ang kanilang relasyon sa kabila ng successful loveteam nina Aljur at Kris Bernal.

Seen : Hindi na-offend si Ruffa Gutierrez sa amateur na panggagaya sa kanya ni RR Enriquez sa Banana Split.

Scene : Ang apela ng fans nina Judy Ann San­tos at Ryan Agon­cillo na ilagay sa primetime ang George and Cecil dahil enter­taining ang kanilang sit­com na tunay na pam­pamilya.

Seen : Ang bintang kay Freddie Aguilar na sinadya niya na tarayan sina Charice at Arnel Pineda upang mapag-usapan siya at ang bar na kanyang ipino-promote. Nagtagumpay si Freddie na mapag-usapan ngunit sa negatibong paraan.

Scene : Ang box-office report ng Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa Pilipinas mula July 1 hanggang July 5.

Show comments