^

PSN Showbiz

Rosalinda wagi sa TV ratings sa unang linggo

-

MANILA, Philippines - Napukaw agad ng pinakamagandang rosas sa telebisyon ang puso ng maraming Pilipino dahil nanguna sa Mega Manila TV ratings ang pilot week ng Rosalinda, ang pinakabagong primetime series sa GMA Telebabad.

Base sa overnight data mula sa AGB Nielsen Media Philippines, nagtamo ng average rating na 28.7% ang Rosalinda sa unang linggo nito, mas mataas kesa sa kalaban nitong programa na nagtamo ng 26.5% mula July 6 hanggang 10.

Talagang tinututukan na ng mga manonood ang kapana-panabik na kwento ng Rosalinda at kinahuhumalingan na rin ang powerhouse cast nito na pinangungunahan nang nakakakilig na loveteam nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann na gumaganap bilang Rosalinda at Fernando Jose.

Kahit ang special re-run ng pilot week episodes nito noong Linggo na tinawag na Rosalinda: First Week, First Love, ay nakakuha ng overnight rating na 20.3%. At noong Huwebes naitala ang pina­kamataas na overnight rating ng Rosalinda na 31.9%.

Rosalinda ang unang proyekto ni Carla sa show­biz at refreshing talaga ang ganda ng bagu­hang aktres sa telebisyon. Bukod pa rito, perfect ang chemistry nila ng leading man na si Geoff kaya mas nakakakilig at mas exciting ang bawat eksena. Ngayong linggo, abangan ang mga ka­pa­na-panabik na eksena sa namumuong pag-iibigan nina Rosalinda at Fernando Jose. Maka­gawa kaya ng paraan ang ate ni Rosalinda na si Fedra (Katrina Halili) para mahadlangan ang kanilang pag-iibigan? Ano naman ang gagawin ni Valeria (Sheryl Cruz), nanay ni Fernando Jose, para makumbinsi ang binata na hindi bagay ang mahirap na tindera ng bulaklak sa mayamang tulad nila?

CARLA ABELLANA

FERNANDO JOSE

FIRST LOVE

FIRST WEEK

GEOFF EIGENMANN

KATRINA HALILI

MEGA MANILA

NIELSEN MEDIA PHILIPPINES

ROSALINDA

SHERYL CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with