^

PSN Showbiz

John Lloyd nahuling si Cristine ang ka-date sa bar!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Huwag nang magulat sina Cristine Reyes at John Lloyd Cruz kung mabilis na nakarating sa press ang pagdi-date nilang dalawa noong Tuesday sa isang bar sa Katipunan Avenue, Quezon City. Digital na ngayon at nasa loob pa man sila ng bar, na-text na sa press ang presence nila at siyempre pa, binantayan ang bawat kilos nila.

Hindi kami sure kung ngayon lang lumabas na magkasama ang dalawa o dati na nila itong ginagawa. Gusto sigurong patunayan ng aktres na totoo ang sinasabi niyang naka-move on na siya pagkatapos ng breakup nila ni Dennis Trillo.

As for John Lloyd, gusto kaya niyang patunayang mali ang mga balita sa kanila ni Ruffa Gutierrez at talagang friends lang sila?

Saan man humantong ang paglabas nina Cristine at John Lloyd, kung mauwi man sa relasyon, sana hindi love on the rebound sa kanilang dalawa ang mangyayari.

* * *

Nanonood ng Bubble Gang at idol ni John Prats sina Ogie Alcasid at Michael V, kaya excited itong makasama ang una sa OMG (Oh, My Girl), ang pelikula ng Regal Entertainment na magki-kick off sa anniversary month nito. Sa July 29, magsisimulang mapanood ang pelikula.

Malaking bonus pang makasama niya si Judy Ann Santos at si direk Dante Garcia na sabi ni John, rason kung bakit niya tinanggap ang OMG na first mainstream movie ito ng director.

Hindi gay ang role ni John sa OMG at kung mapaninindigan nito, sa Manay Po lang siya gaganap na bading para hindi siya nata-typecast at para nakikita ng tao na kaya niyang mag-portray ng iba’t ibang klase ng role.

Ikinatutuwa pala ni John na kahit alam ng girlfriend niya si Shaina Magdayao, tanggap pa rin ang pareha nila ni Denise Laurel sa Bud Brothers at may fans sila. Na-extend din ang episode nila dahil sa maraming request. May kissing scenes sila na ‘di pinagseselosan ni Shaina dahil alam nitong trabaho lang ang kanyang ginagawa.

* * *

Matutuwa ang mga fans ng Twilight sa nabalitaan naming kasama ang Pilipinas sa Asian leg ng promo ng pelikulang New Moon, ang sequel movie at sa October, tatlo sa cast ng New Moon ang darating sa bansa para mag-promote ng movie na showing sa November 10.

Ipagdasal ninyong hindi mabago ang schedule at ipagdasal din ninyong kasama sa tatlong cast member na darating sina Robert Pattinson at Kristine Stewart. Tsinika ito sa amin ng isang taga-TV na kinausap ng distributor para sa guesting ng cast sa shows ng isang network.

* * *

Ang press ang na-tension sa pagkikita nina Annabelle Rama at Wilma Galvante sa labas ng Imperial Century Suites Martes ng gabi. Birthday party kasi ni Roselle Teo-Monteverde at kabilang sina Annabelle at Wilma sa maraming imbitado.

Nasa loob pa lang ng function room si Ms. Wilma, inabangan na ang pagdating ni Annabelle, pero hanggang umalis si Ms. Wilma, walang Annabelle na dumating. Pauwi na si Ms. Wilma at mga kasama at naghihintay ng kanilang sasakyan sa lobby nang dumating si Annabelle kasama sina Carla Humphries at Bubbles Paraiso.

Kausap ni Ms. Wilma si Popoy Caritativo at medyo nakatagilid siya, kaya nang dumating si Annabelle, wala silang eye contact, pero aware na nandun ang bawat isa. Na-freeze ang lahat at nag-abang kung ano ang susunod na eksena. Hindi binago ni Ms. Wilma ang puwesto niya at si Annabelle, lumingon daw muna bago umakyat sa venue ng party.

* * *

Simula mamaya, kasama na si Eugene Domingo sa cast ng Adik sa ’Yo bilang si Fatima, ang tunay na ina ni Joana (Jolina Magdangal). Sa umpisa, hindi agad makikilala ni Joana ang tunay na ina kaya nahiwalay kay Luigi (Joey Marquez) dahil kay Stella (Beth Oropesa).

Magaling na komedyana si Eugene at tiyak na makakadagdag siya sa katatawanan ng Adik sa ’Yo. Idagdag pang friend sila ni Jolina, kaya hindi sila mahihirapan sa mga eksena nilang magkasama, kahit mag-ina pa ang role nila.

Pumasok na rin si Wendell Ramos noong Martes ng gabi at ginagampanan ang role ng lawyer na si James na magkakagusto kay Joana at pagseselosan ni Carlos (Marvin Agustin).

ADIK

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BETH OROPESA

JOANA

JOHN LLOYD

MS. WILMA

NEW MOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with