Melissa mabenta!

Matagal na silang magka-MU ng kanyang perennial partner na si Matt Evans. Kung bakit hindi ito lumalampas hanggang sa kabila ng kamera ang hindi rin masagot ni Melissa Ricks. Basta ang hindi niya pinabubulaanan ay ang pangyayaring napaka-ganda ng tsansa ng kanyang kapareha kung totoong liligawan siya nito. Ang sagot naman ni Matt dito - ayaw niyang masabi na sinasamantala niya ang closeness nilang dalawa kung kaya minimintina niya ang friendship nila. Afraid ito na baka kapag niligawan niya ito, pati loveteam nila ay masira rin.

Wala rin itong say nang pumasok sa eksena si Jake Cuenca. Hindi naman pipitsuging aktor si Jake at never itong nag-deny ng intention niya sa aktres na pinatotohanan ng mga pag-aalaala rito, pagdalaw sa set nito, pagdadala ng mga regalo, bulaklak at pagkain. Kung ano ang dahilan at bigla siyang sumuko sa panliligaw sa aktres ay parehong tikom ang bibig nila. Sapat nang sabihin nila na sa kabila ng lahat, magkaibigan pa rin sila.

Now here comes Rayver Cruz. Tulad din nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz, panay deny din ang dalawa. Pero ang usok kapag nagpatuloy, siguradong may apoy. Katunayan, kung walang namamagitan sa kanila, bakit galit ang mga fans ni Sarah Geronimo kay Rayver na parang property na ito ng Pop Princess at hindi na puwedeng magpakita ng interes sa iba? At bakit naman sila magagalit kung mismong kay Sarah na nanggaling na ayaw pa nitong magpaligaw, kapag 24 o 25 na raw siya. At kapag ba hinintay siya ni Rayver, mayroon itong aasahang maganda sa kanya? Masisisi ba natin kung humanap ng ibang inspirasyon ang batang aktor?

Going back to Melissa, ano bang mayroon siya at pinuputakti siya ng mga manliligaw? Is it her beauty, o baka maganda ang pag-uugali aniya, her beauty within?

O baka ang urge niya to better herself as an actress. Hindi lahat, may ganitong passion. Baka naman this is what makes her beautiful. Kung sabagay, maski na nilagyan siya ng prosthetics sa Kambal sa Uma, malalaking tenga, mga buhok sa mukha at katawan, lumabas pa rin ang angkin niyang ganda. Whatever it is, nakikita ito ng marami, at ito ang nagbibigay sa kanya ng kakaibang aura, atrak­syon na humihila na parang isang magneto sa mga kalalakihan patungo sa kanya.

* * *

Parang ngayon lang natin makikita ang misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valen­ciano na mag-endorso ng isang produkto. Pero gina­wa niya ito, hindi lamang siguro dahil sa talent fee na ibinigay sa kanya kundi dahil sa kanyang advocacy na makatulong din sa maraming may sakit ng diabetes na hindi alam kung paano mabuhay ng normal sa kabila ng kanilang karamdaman.   

Maraming taon na ring nag-alaga si Angeli ng isang asawa na may hindi pagkaraniwang sakit. Inamin niya na hindi naging madali sa kanila ni Gary V ang buhay. Bukod sa pananalig sa Panginoon, malaking tulong ang pagkakaroon ng tamang lifestyle, pagkain ng tama at pag-inom ng tama ring mga gamot at supplement.

Gaya ng pag-inom ng isang diabetic supplement na tulad ng GluControl na tumutulong sa pagma-manage ng sugar control, improve blood circulation and lower blood pressure. Nagpapababa rin ito ng insulin sa lahat ng uri ng diabetes at may banaba at ampalaya extracts na kailangan para sa malusog na blood glucose at body weight.

Sa tulong ng GluControl, ang diabetes ni Gary V is within control pero malaking tulong din ang tamang ehersisyo, good nutrition at family support. Gary would not have stayed this long kung wala si Angeli to check on his countless hypoglycemia attacks, to administer first aid sa mga ganitong pagkakataon, to be always in his concerts para masiguro na balanse ang sugar level niya at marami pang iba Dalawampu’t limang taon nang binabalanse ni Angeli ang kanyang takot sa karamdaman ni Gary at pananampalataya sa Diyos, at kung kakailanganing gawin niya ito buong buhay niya, gagawin niya. Makita lang niyang buhay at malusog ang mister niya.

* * *

Napaka-simpleng kuwento ang tampok ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN na tatampukan ng dalawa sa pinaka-mahuhusay na character actress ng bansa, sina ChinChin Gutierrez at Agot Isidro na matagal nang umaarte pero, sa Tayong Dalawa lamang parang talagang napansin ang galing niya.

Sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian, kuwento ni Mark Duane Angos, gagampanan ng dalawa ang role ng dalawang magkapatid na walang ginawa kundi ang mag-away na parang aso’t pusa. Ano ang mangyayari kapag inihabilin sa kanila ang mga alahas ng kanilang ina (Alicia Alonzo), lalo bang masisira ang kanilang relasyon? 

Show comments