Sariling boses ni Marian Rivera ang maririnig tuwing sisigaw siya ng Darna sa Darna, magre-recording siya para rito, pero boses pa rin niya ang gagamitin. Seksi ang aktres sa kanyang costume na gawa ni Pepsi Herrera.
Hindi raw nakialam ang GMA-7 sa costume at aprubado ito ng mga anak ni Mars Ravelo. Sila rin ang nag-decide kung ilang stars ang ilalagay at pati istorya, kailangang aprubado nila.
‘Katuwa ang description ni Marian ‘pag nakasuot siya ng costume ng Darna, feeling niya, naka-panty at bra lang siya. Napi-feel lang niya na super heroine siya ‘pag suot na ang helmet na ‘di kabigatan at bumibigat lang dahil sa mga inilalagay na borloloy.
Lalagyan ng comedy ang Darna lalo na sa mga eksena nila ni Buboy Villar na gaganap na Ding. Masaya rin siya sa mga napiling makakalaban niya na kinabibilangan nina Nadine Samonte, Maggie Wilson, Iwa Moto, Krissa Mae at Ehra Madrigal. Kay Krissa nag-react ang press dahil ang laking babae nito, madadaganan niya si Marian.
Sa mga aktres na gumanap ng Darna, si Batangas Governor Vilma Santos ang tumatak kay Marian dahil ‘yun ang kanyang napanood. Ang Darna ni Angel Locsin ay ‘di niya masyadong nasubaybayan dahil may trabaho siya ‘pag umeere ‘yun. Darna ni Vilma ang gagawin niya.
Ipinaliwanag ni Marian kung bakit niya pinirmahan ang picture na naka-costume ng Darna si Angel, pero katawan lang ang kay Angel dahil nilagyan ng picture niya ang mukha ni Angel na ikinagalit ng fans nito.
“Sabi n’yo ‘pag may fans na lalapit na magpapa-sign ng picture o autograph, i-entertain ko. Ayaw kong isipin ng fan na ‘di ko pinirmahan ang picture dahil body ni Angel. Ayaw kong ma-disappoint ang fan. Sana, naintindihan ako ng fans ni Angel.”
Ano ang reaction niya na sa Most Hated Celebrity sa ABS-CBN online?
“Narinig ko na ang isyung ‘yan kay Katrina, hayaan na natin. Ano naman ang sasabihin ko? Maganda na nagkasama kami ni Roxanne (Guinoo) sa Tarot dahil nakilala niya ako at nakilala ko rin siya. Tinanong nga ako kung bakit ganu’n ang tsismis sa akin.”
Sasabak na naman sa trabaho si Marian, pero tiniyak na may bonding time pa rin sila ni Dingdong Dantes.
Nanonood sila ng movie or they spend time with the actor’s family.
* * *
Si Eva Castillo ang guest ni Regine Velasquez sa kanyang Most Requested concert sa Skydome ng SM North Edsa sa August 1 and 8. Ayaw angkinin ni Regine ang pagkakaroon bigla ng singing career ni Eva dahil ipinahanap lang daw niya ito. Sina direk Louie Ignacio, Allan K., GMA-7 at ang mga tumutulong dito ang dapat daw pasalamatan.
Ikinatuwa ni Regine ang nabalitaang lilipat na sa mas malaki at mas maayos na bahay si Eva at ang pamilya nito dahil sa talent fee na tinatanggap ‘pag may TV guesting. Nabalitaan din niyang gagawin ng Channel 7 ang life story nito.
“Nang una kong makita si Eva after a long time, wala siyang self-esteem, ‘di nagsasalita at panay ang iyak. Lagi pang sinasabing “mabuti ka pa.” Nang muli ko siyang makita, iba na siya, nakita ko sa eyes niya na bumalik ang self-esteem niya, may spark na uli ang eyes niya at gusto na naman niyang kumanta. ‘Yun ang lagi kong sinasabi sa kanya, na ‘wag iiwanan ang pagkanta dahil ang galing-galing niya,” sabi ni Regine.
After her concert, ang movie nila ni Aga Muhlach sa Viva Films ang gagawin ni Regine. Nabasa na niya ang sequence treatment at magmi-meeting na lang sila ng actor. Si Mel del Rosario ang sumulat ng script at si Joyce Bernal ang director.
Samantala, produced ng Viva Concerts & Events ang Most Requested. Tickets are available at all SM Ticketnet outlet and ticket prices are at P2,625 for Gold seats, and P1,260 for Silver seats. Tumawag din sa Ticketnet at 9115555 at sa Viva Concerts & Events at 6876181 local 627 o 620 for inquiries.
* * *
Guest mamaya sa Cool Center si Mr. Fu, ang disc jockey na gabi-gabi ninyong napapakinggan sa radio, nagbibigay ng love advices at nagpasikat sa expression na “May ganu’n?” Una niyang bibigyan ng love advice ang hosts ng show na sina Anjo Yllana at Eugene Domingo at ang viewers na tatawag.