KC kinakabahan lovers in paris baka 'di mag-rate

Ang dami nang naghintay na makausap si Sarah Geronimo sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng Careline Cosmetics. Ipinapanood pa sa mga dumalo sa launch ang All Pretty Ladies TVC na nagtuturo sa mga teenagers kung paano sila maaaring gumanda sa pamamatnubay ng kanilang Ate Sarah.

Unfortunately, late nagsimula ang launch and most of the media people had to rush to their offices to prepare for their deadlines kung kaya hindi na sila nakapag-one-on-one sa Pop Princess at sa halip kinausap na lamang nila ang ina nito, si Mommy Divine, na siya palaging nasisisi dahil zero ang lovelife ni Sarah. Pinagbabawalan niya umano kasi itong paligawan.

“Hindi totoo, si Sarah mismo ang nagsabing ayaw pa niyang magpaligaw dahil gusto niyang mag-concentrate muna sa kanyang career. Pagdating niya ng mga edad 24 o 25, saka raw siya tatanggap ng manliligaw. Sa akin, walang problema, basta ang gusto ko lamang ay sa bahay siya liligawan,” paliwanag ng ina ni Sarah.

Hindi man nakausap ng marami si Sarah, sinabi nito during the Q&A portion, nang tanungin siya ng kanyang reaksiyon tungkol sa ‘relasyon’ ng kanyang leading man na si John Lloyd Cruz at ni Ruffa Gutierrez, wala naman daw silang relasyon ng aktor para siya maapektuhan ng isyu.

“Pero sana magkaroon pa ng part three yung movie namin,” sabi niya.

Sinabi rin ni Sarah na wala siyang beauty secret.

“Basta meron kang beautiful heart and soul, it will reflect on your face. Careline will just enhance what’s already beautiful,” sabi niya.

* * *

Samantala, nilinaw ng ABS-CBN at maging ng Star Cinema na talagang walang panahon si Angel Locsin para gawin ang Mano Po 6 ng Regal Films kung saan hiniling ni Sharon Cuneta na si Angel sana ang gumanap ng isa sa mga anak niya sa movie.

Pagkatapos ng Only You ay mayroon itong gagawing dalawang pelikula, ang isa ay kasama si Aga Muhlach at ang isa pa ay si Chito Roño naman ang direktor.

Kinailangang mag-issue ng statement ang kumpanya ng humahawak ng exclusive contract ng aktres dahil sa diumano’y nagtatampo ang matriarka ng Regal na si Mother Lily Monteverde dahil sa hindi pagsang-ayon ni Angel na makasama sa kanyang pelikula gayung sinasabi ng producer na meron pa raw si Angel na tatlong pelikula na dapat gawin sa kanyang kumpanya.

* * *

Mukha namang tinototoo na ni Piolo Pascual ang panliligaw kay KC Concepcion. Nung umuwi ito from Cannes Film Festival ay limang taong supply ng pabango ang uwi niya para sa dalaga.

Mula naman sa US na kung saan galing si Piolo makatapos ang konsiyerto ng Star Magic ay dala naman niya ang maraming padala ng mga fans para kay KC, tulad ng scrapbooks at T-shirts.

Both Piolo and KC are excited na masimulan na ang pagpapalabas ng kanilang seryeng Lovers in Paris. Pero sa kanilang dalawa, si KC ang may pinakamalaking takot na baka hindi ito maging kasing-lakas ng mga ibang serye ng Dos.

“Malalakas lahat ng series ng ABS-CBN, naka­katakot lang na baka hindi maging kasing-lakas ang Lovers in Paris,” may pag-aalalang sabi nI KC.

Tungkol naman kay Piolo, walang pagkabahala si Mega. Kilala niya at nirerespeto ang aktor. Alam niyang nasa mabuting kamay ang kanyang anak.

* * *

Kahit na nasa kabilang bahagi na siya ng mundo, patuloy sa kanyang matagumpay na career ang orihinal na Reyna ng Jukebox na si Imelda Papin.

Merong sariling TV show si Imelda, ang Imelda Papin in America, na napapanood tuwing second Saturday of the month, 4-4:30 PM on LA 18.

Meron din siyang radio program, ang Imelda Papin Voice of the Heart, 2:00-4:00 P.M. sa KLAV 12:30 AM radio.

Voice of the Heart din ang titulo ng kanyang CD under 618 International Records na ipinamamahagi sa US at Canada.

Sa July 30 at August 1 & 2, mayroon siyang concert kasama ang popular na si Melissa Manchester, ang nagpasikat ng mga awiting Looking Through the Eyes of Love, Don’t Cry Out Loud, Midnight Blue at If This Is Love among others, sa The Orleans & Casino sa Las Vegas, Nevada, 8:00 P.M. Nagkakahalaga ang tiket nila ng $60, $70 at $90. Ang show ay pinamagatang 2 Music Icons.

Show comments