MANILA, Philippines - Pinarangalan bilang Outstanding Manilans sina ABS-CBN chairman at CEO Eugenio “Gabby” Lopez III at ang nakababatang kapatid nitong si Regina “Gina” Paz Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI), sa isang seremonyang ginanap dahil sa kanilang masigasig na pamumuno at serbisyo-publiko bilang lider ng ABS-CBN, ang pinakamalaking korporasyon sa media ng bansa.
Ginawaran naman si Ms. Lopez para sa kaniyang kontribusyon sa pangangalaga sa kalikasan kabilang na ang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig, ang pitong taong programa ng AFI para linisin ang Ilog Pasig na dumadaloy din sa ilang parte ng Maynila.
Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbibigay-pugay sa magkapatid na Lopez kasama ng ilan pang awardees sa iba’t ibang larangan.
Ang parangal sa magkapatid ay nagpapatunay lamang sa dedikasyon ng ABS-CBN na maglingkod sa sambayanang Pilipino bukod sa paghahatid ng magagandang programa at mahusay na pagbabalita sa mga manonood.
Iginagawad ang Outstanding Manilans kada taon upang parangalan ang mga taong nakapag-ambag sa kagalingan ng lungsod ng Maynila at nagsisilbing inspirasyon sa mga tao rito. Parte ito ng pagdiriwang ng ika-438 na anibersaryo ng siyudad, simula nang nadiskubre ito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1571.
Maaksiyong 5MAX Movies ngayong linggo
Dahil paiba-iba ang weather, sumasabay ang mga paborito niyong Hollywood movies sa TV5 sa kanilang mga spine-chilling and explosive movies ngayong weekend gaya ng Howling V: The Rebirth, The Punisher, at ang Flatliners sa 5MAX Movies.
Palabas bukas, (Biyernes, July 10) ang sequel sa The Howling, ang Howling V: The Rebirth — isang horror film na base sa serye ng mga nobela ni Gary Brandner.
Sina Thomas Jane at John Travolta naman ang bida sa Sabado (July 11) sa comic book-action film na base sa Marvel Comics character of the same name, ang The Punisher.
Sina Julia Roberts, Kevin Bacon, William Baldwin, Kiefer Sutherland, at Oliver Platt naman ang mga bida sa Linggo (July 12) bilang medical students na nag-eksperimento sa near-death experiences in the thriller movie Flatliners.
Highlight ng Rosalinda
Ngayong Huwebes, mababasa ni Fedra (Katrina Halili) ang sulat at itatanong niya kay Dolores kung sino si Soledad.
Mag-aayos ng bulaklak sa isang church sina Becky (Sheena Halili) at Rosalinda (Carla Abellana) dahil may ikakasal doon. Mangangarap si Rosalindang ikinakasal sila ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann), mabibigla ito pagkakita kay Fernando Jose in front of her.
Mapagbintangan at mapapagalitan ni Fernando Jose si Rosalinda sa pagbasa sa piano nito. Mapapahiya ang dalaga.
Bukas ng gabi naman, hindi maniniwala si Fedra sa explanations ni Dolores. Maiintriga pa rin si Fedra kay Soledad.
Sa correctional, malalaman ni Soledad na may gusto sa kanya si Roberto (Yul Servo), ang kapatid ni Clarita (Mymy Davao).
Sa gasoline station, magpapakilala si Fedra kay Fernando Jose, magseselos naman si Anibal (Marco Alcaraz).
Sa isang flower festival, makikita dito ni Fernando Jose si Rosalinda, mabibighani siya sa dalaga.
Hihingi ng tawad si Fernando Jose kay Rosalinda, hindi siya papatawarin ng dalaga.
Iinsultuhin ni Fedra si Rosalinda, hindi raw ito hahabulin ng lalake dahil isa lang itong tindera ng bulaklak.