Richard nanakot gamit ang cellphone ni Douglas
Tingnan natin kung itatanggi o kukumpirmahin ni Eula Valdez na ang ramp model na si Rocky Salumbides ang dini-date niya. Kasi, noong makausap namin ang aktres tungkol dito, ayaw banggitin ang name ng guy at tama na raw na inaamin niyang may dini-date siya.
Ipinakita sa amin ng isang kaibigan ang picture ng guy na mas bata kay Eula, gwaping at hunk. Hindi nakagugulat na may mga naiinggit kay Eula dahil siya ang natipuhan ni Rocky Salumbides na winner sa isang fashion show search at ngayon ay sikat ng ramp model.
Sabi ni Eula, alam ng asawa niyang nakikipag-date siya at patas lang sila’t nakikipag-date rin ang mister niya kung saan ito nagtatrabaho sa Australia. Natatawa pang ibinalita nitong uuwi ang husband niya at kung natuloy ‘yun, baka narito na o baka nakabalik na sa trabaho.
***
Ayaw pang kumpirmahin ni Sunshine Dizon kung ang TV remake ng Tinik Sa Dibdib ang next project niya sa GMA-7 dahil wala pang pahintulot ang network na siya’y magsalita. Ang kinumpirma lang nito’y afternoon soap ang gagawin niya at kung totoong ang remake ito ng Nora Aunor movie, honored siya.
Ikinatuwa rin ni Sunshine ang nabalitaang aprub sa Noranians na siya uli ang gaganap sa TV remake ng isa sa magandang pelikula ng superstar. Second Nora Aunor movie na niya ito dahil nauna na niyang ginawa ang Bakekang na nag-hit sa viewers.
Ang Tinik Sa Dibdib daw ang makaka-back-to-back ng TV remake ng Kaya Kung Abutin Ang Langit na pinagbidahan ni Maricel Soriano at gagampanan sa telebisyon ni Iza Calzado. Bakit may tsikang conflict sila ni Iza ngayon?
“Nothing like that. Wala talaga,” sagot ni Sunshine at hindi na nag-elaborate.
Bago ang Tinik Sa Dibdib, mapapanood muna si Sunshine sa Kay Tagal Kitang Hinintay episode ng Dear Friend na magsisimula sa July 12. Balik-tambalan sila rito ni Polo Ravales, kasama si Chynna Ortaleza. Regular pa rin siyang napapanood sa S.O.P. at Unang Hirit.
***
Natuwa si Richard Gomez sa nabalitaang susuportahan ni Sen. Jinggoy Estrada kung matutuloy siyang tumakbong Congressman sa 4th district ng Ormoc sa 2010 elections. Susuportahan din daw niya ang senador at magsusuportahan sila.
Ayaw pang tiyakin ni Richard ang muling pagpasok sa pulitika kahit kinumpirma na ng misis niyang si Lucy Torres-Gomez at may blessings ang manager niyang si Douglas Quijano bago ito pumanaw at binigyan pa ng advice.
“Pero, pinag-aaralan ko pang mabuti at every week, nasa Ormoc ako. Kung ako lang ang iisipin ko, ‘di ko na kailangang tumakbo, pero gusto kong makatulong.”
Sa oposisyon ba siya tatakbo?
“Lagi naman akong oposisyon.”
Samantala, second day na ngayon ng Bente, ang pelikulang pinagsamahan nila ni Sen. Jinggoy at naging daan para maging magkaibigan sila’t kalimutan ang away noon. Gusto ni Richard na magsama uli sila sa movie at maganda kung si Jinggoy ang mgpoprodyus.
Kinuwento rin ni Richard kung paano niya tinakot ang co-talents kay Douglas gamit ang cellphone ng manager na hawak niya ngayon. Pinagtatawagan niya ang mga kaibigan na siyempre natakot at si Marilen Nuñez nga ay nabitawan ang celfone. Ginaya niya ang boses ni Douglas at kung paano ito magsalita na lalong ikinatakot ng mga tinawagan. Kung puwede lang daw siyang sakalin ay ginawa ng mga ito.
- Latest