Darna nagparamdam na

MANILA, Philippines – Ang mga bossing ng GMA Network sa pangunguna ng chairman, presidente, at CEO na si Felipe L. Gozon, kasama sina Manuel P. Quiogue (marketing and productions president and COO), and Wilma V. Galvante (SVP for entertainment TV) ay nakipagsaya sa mga advertising partners at mga kaibigan mula sa press para maipakilala ang apat na pinakabagong palabas ng istasyon — Survivor Philippines (season 2), All My Life, Rosalinda, at Darna.

Isang malaking star-studded party ang ginanap noong Biyernes (July 10) para sa teaser ng mga primetime programs sa third quarter ng 2009.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang pagbabalik ng action-adventure reality show na Survivor Philippines na hosted by Paolo Bediones.

Kung drama naman ng bagong kilalang loveteam ang hanap, inaasahan na ang Royal Couple ng Daytime Drama Series – sina Aljur Abrenica at Kris Bernal – para sa All My Life. Kasalukuyan nang umeere ang soap drama.

Ang bagong aabangang loveteam naman ng bayan ay kauumpisa lang noong July 6, ang local version ng hit na Mexican telenovela, Rosalinda.

Ang pinag-aagawang lead role ay napunta sa new discovery na si Carla Abellana. Kapareha naman niya ang matinee idol na si Geoff Eigenmann bilang ang kinababaliwang si Fernando Jose Altamirano.

Ang pinakahuli ay ang istorya ng Pinay hero na si Darna na likha ni Mars Ravelo. Ang bida ay ang phenomenal star na si Marian Rivera na certified Kapuso. Kasama rin ang isa pang Kapuso lead actor na si Mark Anthony Fernandez.

Lilipad na ang heroine sa popular niyang red costume simula Agosto 10.

Ang pound-for-pound fighter at Pambansang Kapuso na si Manny Pacquiao ay dumating din at sinorpresa ang event at mas napasaya ang crowd.

Kaya tutok na sa mga nakahilerang third quarter shows ng GMA 7 dahil punung-puno ito ng sulit na excitement.

Show comments