MANILA, Philippines – Habang binabasa ninyo siguro ito, malamang antok-antok pa ako at ang marami sa atin. Ang rason : puyat kagabi sa panonood ng live coverage ng memorial service ng king of pop na si Michael Jackson sa mga local and cable channel.
Affected as in parang malapit lang si MJ sa ating mga Pinoy.
Actually, maraming Pinoy na super die hard fanatic ni Michael ang gustong pumunta sa Staples Center sa Los Angeles para sana makipaglamay. Kasama na rito ang kaibigang si Dolly Ann Carvajal na umaming ‘nabaliw’ na naman nang malaman ang nangyari sa king of pop.
Bukod sa TV coverage, live rin ang nasabing memorial service ni MJ sa internet.
Ayon sa report ng AFP at Reuters, kabilang ang soul legend na si Stevie Wonder at pop diva na si Mariah Carey sa mga celebrities na kasama sa memorial service ni MJ.
Kasama rin sa dadalo ang dating girlfriend ni Jackson na si Brooke Shield, sina Lionel Richie at Jennifer Hudson, Smokey Robinson, Usher at Los Angeles Lakers star Kobe Bryant, Berry Gordy, Magic Johnson, John Mayer, Smokey Robinson.
Inaasahan din sina Whitney Houston and Beyonce Knowles.
Ayon pa sa report, pinatawag din para sa memorial ang British youngster na si Shaheen Jafargholi na nakilala sa pagkanta niya ng Who’s Loving You ni Jackson sa television show na Britain’s Got Talent .
Siya rin ang gumanap na batang Michael Jackson sa Thriller – Live, isang stage musical para sa pop star.
Sinabi ng kinatawan ng pamilyang Jackson na wala pa muna silang ihahayag na ibang detalye sa memorial.
Sinabi naman ng mga organizer na ang 90 minutong memorial ay magsisilbing pagdiriwang o paggunita sa buhay ni Jackson na namatay sa edad na 50 anyos dahil sa atake sa puso noong Hunyo 25.
May 18,000 tagahanga at kaibigan ang inaasahang pupuno sa Staples Center sports arena. Tinataya naman ng pulisya na mahigit 250,000 tao ang magsisiksikan sa mga bangketa sa labas ng arena para magbigay-pugay sa pop icon.
Hindi naman dadalo sa memorial ang dating asawa ni Jackson na si Debbie Rowe na nagsabi nitong Lunes na makakagulo lang ang pagpunta niya roon. Ganundin ang matagal nang kaibigan ni Jackson na si Elizabeth Taylor na nagsabing naimbitahan din siyang magsalita pero hindi niya kaya.
Napaulat na ililibing si Jackson sa isang pribadong family service sa Los Angeles bago pa idaos ang memorial pero tumangging magbigay ng komento ang tagapagsalita ng pamilya.
Nakabitin pa rin ang usapin kung sino ang magbabayad sa police security at ibang services tulad ng sanitation para sa malaking pagtitipon sa memorial. Tinataya na aabot ng $2.5 milyon ang gastusin dito.
Sa online report, dumami rin ang bookings sa eroplano nang i-announce ang memorial arrangement papuntang San Francisco, Las Vegas and Los Angeles na karamihan ay VIPs.
Namatay si Jackson na tinatayang may hundred of millions na utang. Pero sa estimate ng korte, ang kanyang naiwan ay aabot sa $500 million.
* * *
Pinuri ni Ms. Armida Siguion-Reyna ang acting ni Sarah Geronimo sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.
“Last Saturday night I had the chance to watch Sarah Geronimo’s praiseworthy performance in ABS-CBN’s Maalaala Mo Kaya. I caught the show quite late, but I very much liked what I saw. Memorable was the cluster of scenes from the time Geronimo had gone to see her father, who lived with his real family, to ask for help as she and her mother (Cherry Pie Picache) were about to be evicted from their house. She got nothing out of that visit, returned home to confront Picache, and boy, was I impressed.
“It was an intense scene, that confrontation. But Geronimo did not strain or go hysterical, she simply gave out intelligent nuances that drew you, as viewer, to feel her pain. Marami siyang tataluning mga kasalukuyang diva ng telenovela, lalo na ang mga nagdi-diva-divahan.
“Thank you, Sarah Geronimo, for still somewhat giving me hope,” ang buong sabi ni Ms. Armida sa kanyang sinulat. (Salve V. Asis)