1.6 milyong fans humingi ng tiket sa Jacko memorial

MANILA, Philippines - Umabot sa 1.6 milyon ang bilang ng mga tagahanga ang nagparehistro para makakuha ng tiket sa memorial service ng idolo nilang si Michael Jackson.

Pero maghihintay sila hanggang Lunes para malaman kung kabilang sila sa mabibigyan ng 11,000 libreng tiket sa seremonya para kay Jackson na idadaos sa Martes (sa Amerika).

Nagtapos nitong nagdaang Sabado ang registration period para makadalo sa memorial service sa Staples Center sa Los Angeles sa California.

Gayunman, merong 6,500 tiket na ipamimigay sa Nokia Theater overflow section. 

Pinaghahandaan na ng mga opisyal ng Los Angeles ang napakaraming tao na magtatangkanng pumasok sa arena na inaasahang aabot ng hanggang 700,000 ang bilang.

Hinihikayat na nga ang mga tao na manatili na lang sa bahay at panoorin sa telebisyon ang memorial.

Show comments