Parang ‘di raw nagmumog o nag-toothbrush man lang ang isang aktor pagkagising nang minsang bumisita ito sa opisina ng isa kong gay-friend.
Gulat ang bading kong friend dahil wala sa hitsura ng not so famous na aktor ang mabaho ang hininga nito.
“Day maganda ang mukha niya. Hindi mo sasabihing, tamad mag-toothbrush.
“Pero grabe ang sangsang ng amoy ng hininga,” kuwento ng bakla.
Actually, wala talaga sa hitsura niya na ganun ang amoy ng hininga nito. Parang parati itong mabango. Yun pala, kadiri pag nagsalita.
May show naman siya kahit paano sa isang network.
***
Showbiz na si Aling Dionisia. Marunong na siyang sumagot sa mga intriga kahapon sa Startalk.
Unlike before na parang nakakatawa lahat ng sabihin niya.
Pero aliw na feel na feel niya ang mga sinasabi niyang fans niya.
At parang hindi sila nagkakausap ng kanyang anak na si Manny Pacquiao dahil nanawagan pa siya on air na sana ay magkausap sila bago ito pumunta sa Amerika para maghanda para ensayo sa bagong laban.
***
Sinabayan ni Katrina Halili ang interview kahapon ni Dra. Vicki Belo sa Startalk.
Sinabi na ni Dra. Belo na any moment ay kakasuhan na niya si Katrina dahil sa ginawa nitong ‘panggugulo’ sa kanya matapos siyang idemanda at inaapela na patanggalan ng lisensiya ang Belo Medical Group.
Sa Cebu press nagpa-interview si Katrina para sa promo ng Rosalinda. Tumakas siya sa launching nito sa GMA 7, pero sa Cebu nagsalita siya kahapon.
Inamin niyang Darna talaga ang unang ini-offer sa kanya ng GMA 7. “Actually ang ibinigay sa akin, Darna talaga as Valentina, pero tinanggihan ko kasi may mga ahas eh, tapos pumapatay siya. Si Valentina may nakadikit na ahas eh gusto ko nang lumayo dun.”
“Si Fedra (character niya sa Rosalinda) may pinaghuhugutan kung bakit siya maldita, kasi siya (Rosalinda) paborito ng kanyang mga magulang, ako hindi. Saka si Fedra hindi pumapatay. Mas light lang ang pagkakontrabida ni Fedra,” sabi nito sa interview kahapon sa Cebu.
Pero nangatuwiran si Katrina na hindi porke tinanggihan niya ang pagiging kontrabida sa Darna ay gusto na niyang maging bida.
“Di ko pinagpipilitan na gusto kong maging bida. Kasi may mga characters naman na strong ka, gaya ng mga ibinigay kay Ate Sunshine (Dizon) na strong pero hindi ikaw ang sinisisi sa huli.”
Nung pinatawag daw siya ng GMA-7 para sabihing kailangan na niyang magtrabaho, pinaki-usap lang niya na masali siya sa SRO o sa afternoon soap, or she’ll wait kung kailan siya bibigyan ng project ayon sa interview sa kanya. Pero nakatulong daw na pumayag siyang maging Fedra. “At saka after in-announce na ako ang magiging Fedra, parang nag-iba ang reaksiyon ng tao. Medyo mas napansin ng tao na okay daw ang hitsura ko ngayon, medyo umokay ako.”
Napag-usapan din ang tungkol sa sex video scandal since ito ang unang pagkakataon na nakausap ng entertainment press ng Cebu si Katrina pagkatapos lumabas ang sex video nila ni Hayden Kho.
Bakit pa siya nagreklamo samantalang nag-enjoy naman siya with Hayden, tanong sa kanya?
“Sasabihin ng mga tao, nag-enjoy ka naman, (bakit ka magrereklamo?). Natural, mag-boyfriend, girlfriend kaya, gusto n’yo ang ginagawa n’yo, may relasyon kayo, nagmamahalan kayo.
“ Mahal n’yo ang isa’t isa, nagme-make-love kayo, tapos nagkahiwalay kayo, makikita mo na lang ang video n’yo sa Quiapo? Di ako makapaniwala, sobrang napakatanga talaga ako dun.”
Puwede daw niyang patawarin si Hayden pero tuloy pa rin ang kaso. Pero sa ngayon daw, wala pa talaga siyang nakikitang remorse at di na niya kailangang i-specify kung anong dapat gawin ni Hayden para maniwala siyang nagsisi na ito. “ Wala talaga eh. Nakataas noo siya, parang di niya alam na nagkamali siya. Siguro dapat ma-realize niya na mayroon siyang kasalanan. May mali siyang ginawa - hanggang ngayon di niya alam.”
Eh bakit gusto naman niyang patanggalan ng lisensya ang Belo Medical Group samantalang si Hayden lang naman ang nambaboy sa kanya? Besides si Dra. Belo ang inagawan niya ng boyfriend kaya nagkaroon sila ng sex video?
“Sumusunod ako sa abogado at tatay ko.”
Sinabi pa niyang, never niyang itinuro talaga na si Dra. Belo ang nagpakalat ng video.
“Accessory lang siya (Belo) kasi siya ang may-ari at nagpakuha ng laptop. Sila (Belo, Eric Chua, Dr. Herbert “Bistek” Rosario at Princess Velasco), yung last na nakakita.
“Wala po akong tinuturo pero sobrang planado. Six months akong nanahimik at pinagdusahan ang consequences ng kasalanan ko, nanahimik ako at never akong may sinabi. Nung medyo okay na, saka naman lumabas ang video. Sobrang planado kasi nung day na lumabas ang video may nag-text sa mga reporters na anonymous number para panoorin ang video.”
Pero may hindi magandang insidente na nangyari sa nasabing interview sa Cebu.
Pinukpok daw ang sinasakyan nitong van ng isang lalaki para magpapansin sabay sabing : “Si Hayden Kho?”
Pero in fairness daw, dinumog si Katrina ng mga Cebuano at umiyak pa sa suportang pinakita sa kanya, dagdag pang kuwento ni Mark ng Banat News (sister publication ng PSN) sa Cebu.