Bagong Hiyas ng Quezon City

MANILA, Philippines - Tinanghal na kauna-unahang Hiyas ng Quezon City si Bernadette Solero, 18, na siyang kumatawan sa Barangay Tatalon. Nagkamit siya ng P20,000 cash, scholarship at ilan pang papremyo mula sa mga sponsor. Si Bernadette ay isang mag-aaral ng kursong criminology sa Philippine College of Criminology (PCCr) at handang maglingkod bilang alagad ng batas balang araw. Sa larawan, kasama niya (mula sa kaliwa) ang main sponsor ng patimpalak na sina Kon. Ariel Enrile Inton, Sara Mae Reyes (pumangatlo), Solero, Jennielyn Natividad (pumangalawa) at ang singer-comedienne na si Angelica Jones

Show comments