Pagsisiyasat sa mga bagong virus

MANILA, Philippines - Inakalang isang ordinaryong trangkaso lang ang unang kumalat na sakit sa Mexico. Ngayon, ang A(H1N1) ay idineklara nang pandemic ng World Health Organization. Kumalat na ito sa mahigit 90 bansa, humigit-kumulang sa 50 libong katao na ang nagkasakit at mahigit dalawang daang buhay na ang nalagas.

Sa patuloy na pananalanta ng Influenza A(H1N1), tila ang iba pang papausbong na virus ay nakaligtaan na ng marami. Nitong nakaraang taon lang, isang virus ang kumitil sa limang buhay sa South Africa at Zambia – virus na kapag kumalat ay mas masahol pa raw sa A(H1N1). Pero gaya ng A(H1N1), na unang tinawag na swine flu, pinaniniwalaang nagmula rin sa mga hayop ang virus na ito.

Samahan ang GMA Public Affairs veterinarian na si Doc Ferds Recio na kilalanin ang “Lujo Virus” sa South Africa at alamin kung paano ito makapipinsala sa buhay oras na ito’y mapabayaan. 

Abangan ang The Pandemic Scare, Pagsisiyasat sa mga Bagong Virus,  ngayong gabi pagkatapos ng Ful Haus sa GMA Network

Show comments