Career ni Roderick nabuhay sa Ded...

Blooming ngayon si Angel Locsin dahil bukod sa pagiging stable ng lovelife ay maganda pa rin ang takbo ng career. Bukod sa consistent na maganda ang rating ng Only You ay nagbigay pa rin ng kara­ngalan sa kanya ang Lobo sa 30th Banff World Television Award sa Canada.

Nakalinya na rin ang pelikula nila ni Aga Muhlach at kung matutuloy, isang proyekto na pagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz.

Nagbiro nga ito na sakaling magtambal sila ni John Lloyd ay baka mag-workshop muna siya dahil ang galing-galing nitong umarte.

Ilan sa mga pangarap ni Angel ay makasama sa isang pelikula ang mga premyadong artista. Gusto rin niyang makatanggap ng acting award bukod pa sa muling makakita ang daddy niya at makapagtapos din ng pag-aaral.

***

Nakakuwentuhan namin si Roderick Paulate sa presscon ng Rosalinda. Siya si Florencio, ang flowership owner at gumaganap na mabuting ninong ni Rosalinda (Carla Abellana).

Ayon dito, malaking bagay ang nagawa ng Ded na si Lolo dahil sumiglang muli ang career niya. Nasa pamamahala siya ngayon ni Malou Choa Fagar at per project ang contract niya sa GMA 7.

Nagpahinga muna siya matapos ang That’s My Doc dahil namatay ang panganay nitong kapatid at brother-in-law kaya nagpunta muna sa Amerika.

Nami-miss na ng aktor ang hosting job sa game show.

***

Tama nga ang hinala ko na mabubuhay muli ang career ni Katrina Halili matapos ang sex video scandal. Kapag ang artista ay nalagay sa kontrobersiya, iingay ang career.

Mali ang balitang mananamlay na ang karera ng sexy star kahit nasira ang dignidad ng pagkatao nito. Sa showbiz, ang underdog ang nakikinabang at ngayong balik-kontrabida si Katrina sa Rosalinda bilang si Fedra na gaganap bilang makasariling ate ni Rosalinda na may pagnanasa kay Fernando Jose (Geoff).

Simula na ito bukas, Hulyo 6 pagkatapos ng Zorro.

Show comments