MANILA, Philippines - Sa likod ng mala-anghel na kagandahan at kabaitan ikinukubli ang isang mapait na karanasan.
Makikilala na ang anghel ng lansangan na si Marichuy simula Lunes (July 6) sa pinakabagong Mexicanovelang aabangan tuwing hapon, ang Maria De Jesus.
Isa sa pinakasusubaybayang telenovela sa Latin America maging sa US, ang Maria De Jesus ay kinatatampukan ng dalawa sa pinakamainit at pinakapinagpapantasyahang Latin superstars ngayon— ang tinaguriang bagong Thalia na si Maite Perroni at binansagang Brad Pitt ng Mexico na si William Levy.
Si Maite ay isang tanyag na singer-actress sa Mexico. Kamakaila’y pinangunahan niya ang top 50 list ng People en Espanol. Ang Cuban hunk naman na si William Levy ay nag-umpisa bilang modelo bago sumabak sa telebisyon. Ang kanyang papel bilang Juan Miguel ang kanyang unang lead role kung saan nakatamo siya ng parangal bilang Best New Actor noong 2008.
Sundan ang kuwento ni Marichuy, isang babaeng laki sa bahay-ampunan na anghel ng lansangan pero may angking kapilyahan. Makakatagpo niya ng landas ang guwapong doctor na si Juan Miguel na siyang magtatanggol sa kanya sa isang gulong kanyang kinasangkutan.
Tanging layunin ni Juan Miguel ay ang tulungan si Marichuy ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay isang bagong pag-ibig pala ang kanyang matatagpuan. Paano kung ang pag-ibig na kanilang mararamdaman para sa isa’t isa ay laban pala sa itinakda ng tadhana?
Huwag na huwag palalampasin ang Maria De Jesus simula Lunes (July 6) pagkatapos ng Precious Hearts Romances sa ABS-CBN Hapontastic. Susundan agad ito ng kuwelanovelang Love or Bread back-to-back sa Asianovela phenomenon na Boys Over Flowers.
Marian Nasa Wellness Fair
Simulan ang 35th National Nutrition Month ngayong Hulyo sa pagsali sa Nestle Philippines, Inc.’s The Joy of Wellness Fair na gaganapin sa SM Megamall Megatrade Hall 2.
Sa two-day wellness affair, libre ang entrance kung saan participants will be treated to hourly nutrition, health and wellness seminars at the venue’s center stage. At the same time, exciting wellness activities will take place at different areas around the fair na magsisimula ngayong araw, 10:00 am to 8:00 p.m each day.
The Joy of Wellness Fair will also feature guest appearances by Marian Rivera for the NESVITA Cereal Drink, Maricel Laxa for Koko Krunch, taekwondo athlete Japoy Lizardo for MILO, and basketball player Chris Tiu for NESVITA Oatmeal and MILO.
“As a nutrition, health, and wellness company, Nestle creates products and activities that encourage the public to maintain a healthy lifestyle,” sabi ni Corazon V. Sager, Vice President for Nestle Corporate Wellness, “And as we celebrate National Nutrition Month this July, The Joy of Wellness Fair provides the perfect venue to share knowledge on proper nutrition and physical activity through interactive lectures, product sampling, and many fun activities”.
Rebelasyon
Tinutukan ng mga manonood ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja simula nang umere ito sa ABS-CBN. At sa pamumukadkad ng iba pang mga rebelasyon, siguradong may mga masasaktan na karakter sa oras na lumabas na ang katotohanan.
Ang pag-amin ni Ross (Derek Ramsay) na may mahal siyang iba ay hindi pa itinuturing greatest heartache ni Helen (Karylle). Ang talagang labis na dudurog sa kanyang puso ay ang katotohanan na si Cristy ang babaeng minamahal ng kanyang ex-fiancée. Sa episode ngayong Sabado, ikagugulat ni Helen ang kanyang malalaman - na si Cristy pala ang babaeng matagal nang ipininta ni Ross -kaya naman lubusan itong nalito at nakaramdam ng pagtataksil.
Ano ang mangyayari kay Helen? Magi-guilty kaya sina Cristy at Ross sa sasapitin ng babaeng pareho nilang sinaktan?
* * *
Under-Standing, Peeping Toms, Bagets sa Ka-Blog!
Ngayong Sabado, sisilipin ni Ka-Blog Mico Aytona ang mundo ng mga peeping toms o mga mamboboso. Kikilalanin niya si “Tomtom,” ang notorious na mamboboso sa kanilang lugar. Aalamin ni Ka-Blog Mico, ano nga kayang tumatakbo sa isip ni Tomtom? Bakit nga ba may mga teen na grabe kung mamboso? At paano ito masosolusyunan?
Under de saya o sadyang understanding lang? Aalamin ni Ka-Blog Andrea Torres ang mga relationship na under-an ang usapan. Bakit nga kaya dumadating sa sakalan ang pagsasama na dapat sana ay masaya? Nakilala ni Andrea ang ex-couple na sina Arnel at Seanice. Hindi raw naging fair si gf sa kanyang ex dahil sa sobrang paghihigpit nito. And take note, palagi pa raw gusto ni Seanice na siya ang masusunod. Ano naman kaya reaksiyon ni bf? Totoo kayang all is fair in love?
Abangan ang lahat 10:00 AM sa GMA-7.