Hayden may pasasabugin kay Cheche

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon, ilalantad ng kontrobersiyal na doctor na si Hayden Kho ang kanyang personal na buhay at damdamin sa telebisyon.

Ngayong Miyerkules (July 1), sisilipin ng beteranong mamamahayag na si Cheche Lazaro ang kalooban ng doktor sa isang mainit na talakayan sa Probe Profiles.

Asahan ang matatapang na tanong ni Cheche tungkol sa mga iskandalo, relasyon, at mga lihim na magpapakita ng tunay niyang pagkatao. Kilalanin si Hayden mula sa mata ng kanyang doktor at mga kaibigan mula sa kabataan niya.

Huwag palampasin ang lingguhang pag-iimbestiga ni Cheche Lazaro sa mga pinag-uusapang personalidad sa bansa sa Probe Profiles tuwing Miyerkules pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

* * *

Sa lahat ng mga mahilig mag-dress up bilang anime character, inaanyayahan ng TV5, in partnership with Cosplaymania, ang lahat ng anime and cosplay enthusiasts na sumali sa TV5 Animega’s CosTube video contest, kung saan inaanyayahang magko-costume bilang anime character ang mga contestants at irekord ito on video, at saka i-upload online at ipadala ang link sa Cosplaymania for a chance to fame at para manalo ng hanggang P70, 000 cash prize.

CosTube video contest is open to all cosplayers and amateur filmmakers of all ages. Sa mga interesadong sumali, kailangan lang maging miyembro at mag-register muna sa TV5Kommunity o sa Cosplay.ph sa www.tv5.com.ph at sa www.cosplay.ph.

Sa mga gustong sumali, kailangan lang mag-dress up bilang ang inyong favorite anime character, maghanda ng skit at i-video ang sarili portraying your anime character (cosplay), i-upload ang video online at ipadala ang link sa www.cosplaymania.com.

Halagang P10, 000 ang mapapanalunan ng Top 5 finalists. Among the five finalists, pipili naman angTV5 ng kanilang pick kung saan magkakamit ng additional P10, 000 ang mapipili. Ang grand prize winner naman, at least P50, 000 ang maiuuwi habang sikat na rin ang grupo nila online and on TV.

Submission of entries is ongoing mula June 1 hanggang August 8, 2009. For more information, mag log-in lang sa www.tv5.com.ph o sa www.cosplaymania.com

* * *

Intriga, kinontra ni Korina

Pagkatapos maipahayag ni Sen. Mar Roxas ang kanyang pagmamahal sa broadcaster na si Korina Sanchez, sinundan ito ng pamamanhikan sa bahay ng dalaga noong Hunyo 15.

“Akala ko, single na ako forever,” sabi ni Korina. “Dumating ang isang tamang lalaki sa tamang panahon.”

Bagama’t hindi pa maibigay ng dalawa ang eksaktong araw ng kanilang kasal, sinabi ni Korina na mangyayari ito ngayong taon. Hindi pa rin buo ang listahan ng entourage, pero siguradong si James Yap, Jr (o Baby James) ang ring bearer, at isa sa mga ninang si Rosa Rosal ng Philippine National Red Cross.

Iniintriga sila at iniiba ang isyu tungkol sa mga pagpunta nila sa iba’t ibang probinsiya. “Hindi na ako nagtataka,” ani Korina. “Dahil nga wala silang masabi kay Mar, ako naman ang tinitira ng iba. Pero ang nakararami, alam nila ang totoo,” dagdag ng host ng Rated K na si Korina.

* * *

Boys over flowers at Love or bread iinit pa

Lalo pang umiinit ang Asianovela fever sa ABS-CBN.

Huwag bibitiw sa Taiwanese kuwelanovelang Love or Bread tampok ang tambalang Joe Cheng at Ariel Lin, back-to-back sa Koreanovela phenomenon ng 2009 na Boys Over Flowers kasama naman ang naggagwapuhan at kinahuhumalingan ng sambayanan na Korean F4.

 Ngayong linggo sa Love or Bread, excited na excited si Albert sa kanyang nalalapit na school reunion kung saan inaasahan niyang makitang muli ang crush na si Little Princess. Sa ‘di inaasahang pangyayari ay mawawalan ng venue ang reunion kaya naman kukulitin ni Albert si Bernie na ipahiram ang villa ng kanyang boss para may pagdausan at matuloy pa rin ang pagtitipon.

Pagkatapos ng kwela’t kilig, tutukan naman ang tumitinding kuwento ng Boys Over Flowers. Sa pagpa­patuloy ngayong linggo, susundan ni Jan Di si Jun Pyo sa Macau kasama ang iba pang miyembro ng F4 kung saan isang naiibang Jun Pyo ang sasalubong sa kanila. Malamig ang pakikitungo at tila iniiwasan ng Shinwa heir si Jan Di ngunit dala ng pakiusap ni Ji Hoo ay pumayag din itong makipagkita at makipag-usap sa dalaga kahit saglit.

Tuwa at pananabik ang mangingibabaw kay Jan Di sa kanyang pakikitagpo sa minamahal na agad ding mawawasak at mapapalitan ng poot at pighati matapos sabihin sa kanya ni Jun Pyo na isa lamang siyang mantsang nais na niyang tanggalin. Katapusan na nga ba ito ng pag-iibigang Jun Pyo at Jan Di? Ito na ba ang pagkakataon para tuluyan ng magkalapit sina Ji Hoo at Jan Di?

Show comments