MANILA, Philippines - Handog ng Star Studio Magazine, the magazine that brings you closer to the stars, ang pinaka-unang party series kasama ang no less than the Primetime Princess at Top Multi-Media Endorser sa isang napaka-espesyal na VIP pass event, ang Kim Chiu Thanksgiving Party sa The Manor Superclub, Pasig City.
Maraming dapat ipagpasalamat ang in-demand at kilalang aktres na si Kim sa nagdaang mga taon, sa career niya at sa personal na buhay. Mabilis na umangat ang kanyang career at dumadami pa lalo ang kanyang fan base, dito at sa ibang bansa.
Pink at black ang disenyo ng venue at dress code ng party ni Kim. Isang wishing tree ang bumungad sa entrance ng party kung saan puwedeng magsulat ng mensahe para kay Kim. May photo booth din na kumpleto ng mga accessories na naglabas ng mga ngiti at iba’t ibang pose ng mga guest na game na game namang humarap sa kamera para sa guest book.
Sa second floor ng The Manor, nakakaindak ang party music ni DJ Mars Miranda habang enjoy sa cocktails ang mga guest. Iba’t ibang photos ni Kim ang nakapalibot sa venue na nagpapakita ng kanyang iba’t ibang mga ‘look.’ Lahat ay nakatitig nang dumating ang star of the night. Isang espesyal na audio visual presentation ang nagpakita ng buhay ni Kim, na may kasama pang mga greetings mula sa mga kaibigan at supporters ng dilag sa pangunguna ng head of ABS- CBN Publishing na si Ernie Lopez. Ang Star Studio Editor in Chief na si Biboy Arboleda ang nagsilbing host ng gabi at opisyal na naghirang kay Kim bilang bahagi na ng liga ng A-list celebrities.
Dumating sa event para magbigay suporta kay Kim ay ang kanyang long time loveteam partner, Gerald Anderson, Tayong Dalawa co-lead star Jake Cuenca, Melissa Ricks, Erich Gonzales, Beauty Gonzales, Joaqui Valdez, Fred Payawan at Ram Sagad at marami pang iba.
Marami man siyang nakamit bilang aktres, kuwento ng simpleng dalaga, “I am very thankful for everything that I have, lalo na sa suporta ng fans ko. But I hope na makakuha rin ako someday ng award kaya mas pinagbubuti ko pa yung trabaho ko ngayon.”
Para sa iba pang detalye ng upcoming events, bumili ng kopya ng July issue ng StarStudio kung saan featured ang pinaka-in demand na loveteam, Kim Chiu at Gerald Anderson bilang back-to-back celebrity cover ng magazine at iba pang exclusives na makikita lamang sa StarStudio. Available sa inyong paboritong mga bookstores at newsstands nationwide sa maliit na halaga na P85 per copy.
Nakikipag-tsikahan ang mag-asawang sina Rizal Gov. Jun Ynares III and Rizal First Lady Andrea Bautista sa aktres na si Michelle Madrigal during the breaks sa basketball exhibition game of movie stars held at Ynares Center, Antipolo City. Also in the photo is Mayor Jojo Buenaventura of Morong, Rizal (extreme right). Dumayo ang stars from the Kapamilya (ABS-CBN) and Kapuso (GMA) Networks. Kasama sa naglaro sina John Hall, JR, Joross Gamboa, James Blanco, Jason Abalos, Luis Alandy, Arthur Solinap and Jose Manalo. Others who played were Derek Ramsay, JC de Vera, JC Tiuseco, Marco Alcaraz, Bong Acosta and Jong Hilario.
Jericho Magbibigay Ng Gintong Ngiti
Matapos ang matagumpay na concert sa Cebu at Davao, nais naman ng Western Union, nangunguna sa money transfer services sa buong mundo, na masaksihan ng Manila ang experiential concert na kanilang inihanda.
Ang concert series ay isang paraan ng Western Union sa pagbibigay ng gintong ngiti sa kanilang mga loyal customers. Ang concert ay gaganapin sa July 4 sa Aliw Theater. Sina Jericho Rosales, Christian Bautista, at Yeng Constantino ang mga magpe-perform sa nasabing concert.
“Masaya ako at excited dahil isa ako sa mga napili ng Western Union na magbigay ng gintong ngiti sa mga loyal customers nila. Isang privilege din ang makasama sina Christian Bautista at Yeng Constantino sa concert,” sabi ni Jericho Rosales.
Mabibili ang tickets sa lahat ng Ticketworld outlets sa halagang P1,800, P1,500, P1,200, P800, at P500.
Isa sa mga “experiential” benefits ng mga Western Union Gold Card members ay ang 50 percent discount sa bawat concert ticket.
Pokwang “Tindera” Ng Sorbetes
Naniniwala ang mga Pinoy na magkakambal ang kasiyahan at ang sorbetes. Sa bagong Nestle Sorbetes, mas masarap, mas nakakatuwa at mas abot-kayang halaga ang kasiyahang ito. Kaya hindi taka-taka na maging paborito ng mga konsyumer ang Nestle Sorbetes.
Isa ring dahilan ito kaya nagdaos kamakailan ng Fans Day sa Caloocan City ang komedyanang si Pokwang na bagong endorser ng Sorbetes ng Nestle Ice Cream.
Sa bagong komersyal ng Nestle Sorbetes, ipinakikita ni Pokwang ang tatlo nitong masasarap na flavor – Keso, Ube at Tsoko.
“Si Pokwang ang perfect endorser ng Nestle Sorbetes dahil nakakapa niya ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng uri ng kanyang comedy at ng istilo ng kanyang pagpapatawa. Tulad ng Nestle Sorbetes, alam ni Pokwang kung ano ang makakapagbibigay ng kasiyahan sa bawat pamilyang Pilipino,” sabi ni Angel Maquiling, brand manager ng NIC Sorbetes.
Sa nabanggit ngang fans day, nagkaroon ng balloon popping, videoke at hula-hoop challenge sa pangunguna ni Pokwang. Pinangunahan din niya ang pagkanta ng Nestle sorbetes jingle na Papa Sorbetero.