Kung tutuusin, may ‘promotional responsibility’ si Geoff Eigenmann upang anyayahan ang kanyang mga fans na panoorin ang Villa Estrella, which is showing this Wednesday, July 1.
Geoff is now a Kapuso, nevertheless, he owes it to Star Cinema kung bakit nagkaroon siya ng proyekto kasama sina Shaina Magdayao, Maja Salvador at Jake Cuenca despite objection by GMA 7. On his own, bilang token of gratitude na lang ay ipino-promote sana ni Geoff ang naturang pelikula.
Villa Estrella, as it appears to me now, is less scary compared to Geoff’s fear na baka ma-bad shot siya sa GMA 7. More obviously, mukhang hindi namana ni Geoff ang ‘professional genes’ ng kanyang mga magulang.
How bad, how sad.
* * *
It’s Lolit Solis versus Katrina Halili these days, ito’y makaraang isinusulong ng kampo ng huli na matanggalan din ng medical license si Vicki Belo as one of the alleged accessories behind the proliferation of her sex video with Hayden Kho.
Anchored on this premise, bakit hindi rin ipatanggal ni Katrina ang lisensiya ni Dr. Mark ‘‘Bistek’’ Rosario since kabilang din ito sa mga inireklamo niya? And already passing the buck, bakit hindi rin ito ang nais mangyari ni Eric Johnston Chua laban kay Vicki since at one point, he (Eric) and Katrina have a common accused?
Sey nga mismo ni ‘Nay Lolit, and I agree, lumilihis na sa tunay na isyu ang kaso. Worse, the less important concerns become the subject of legal probe samantalang ang dapat unahin ay kung sino talaga ang nag-download o nag-upload ng sex video.
* * *
This early, nai-imagine na ni Ms. Tates Gana, maybahay ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista, ang campaign rigors ngayong opisyal nang binasbasan ni outgoing mayor Sonny Belmonte si Bistek (Herbert’s petname).
‘‘Malaking bagay ’yung tiwala ni Mayor kay Bistek, lalo’t ang nais naman talaga niya, eh, maipagpatuloy ’yung mga programa niya para sa QC,’’ sey ni Tates, who strikes me as a Meryl Streep — look alike.
Nagbalik-alaala tuloy kay Tates ’yung mga araw na kulang na sila sa tulog ay kulang pa rin ang laman ng tiyan. ‘‘Naku, naranasan ko talagang kumain ng street food kasi naman gutom na gutom na ’ko. Lahat kasi ng mga kilos namin eh, mabilisan. Pag-uwi mo ng bahay, hindi mo na rin tuloy makilala ang itsura mo, ang bahu-baho mo pa.’’
’Yung physical aspects lang naman daw ang downside du’n, pero hanga sila ni Bistek kung saan nila kinukuha ’yung energy every single day of the entire campaign period. ‘‘Plus the fact na maganda ’yung reception ng tao, all that physical exhaustion is nothing,’’ nakangiting sey ni Tates who, would you believe, has never seen any of Herbert’s movies noong hindi pa sila nagsasama?
* * *
Registering a 33.6% rating in audience share in its last episode by the AGB-Nielsen. Inspiring other stations in putting up similar talent shows. And what do you have? A pioneer show like Talentadong Pinoy on TV5.
Yes, sa tanggapin man o hindi, trailblazer ang TP that started it all in the broadcast industry kung saan sino-showcase nito ang husay at galing ng Pinoy. Even if it has given rise to copycats, masaya ang produksiyon na ginagaya sila ng iba. After all, isn’t imitation the highest form of flattery?