Matunog na Rustom pa rin ang tawag ni Robin Padilla kay BB Gandanghari. Tanggap na ni Robin ang pagiging babae ng kanyang kuya pero hindi ito nangangahulugan na makiki-join na rin siya sa pagtawag ng BB kay Rustom.
Nagkita ang magkapatid sa burol ng kanilang pamangkin. Noon lamang nagkrus ang landas nina Robin at Rustom. Maraming beses na muntik na silang magkita pero hindi pa handa noon si Robin.
Matatapos na ang Totoy Bato ni Robin sa GMA 7. Siya na mismo ang nagsabi na ang pagpapahinga ang kanyang aatupagin kaya walang follow-up project ang Totoy Bato.
Hindi rin todong pahinga ang gagawin ni Robin dahil may balita na magbibida sila ni Cesar Montano sa isang pelikula na kanilang pagsasamahan.
* * *
O ayan ha, nagsalita na ng tapos si Vilma Santos na hindi siya kakandidato na Vice-President sa 2010 elections dahil naka-focus ang kanyang atensiyon bilang Gobernador ng lalawigan ng Batangas.
Siguro naman, titigil na ang mga manliligaw kay Vilma para maging running-mate nila. Pero sa totoo lang, kung nagdesisyon si Vilma na kumandidatong Bise-Presidente ng Pilipinas, may dahilan para kabahan ang kanyang mga makakalaban.
Maganda ang track record ni Vilma sa pulitika mula nang maging mayor siya ng Lipa City hanggang maging Gobernador ng Batangas.
Lahat ng mga taga-Batangas na nakakausap ko eh nagsasabi na magaling na public servant si Vilma kaya ito ang pinakamalaking asset ng kanilang probinsiya.
Malayung-malayo na ang narating ni Vilma. Talagang napag-iwanan na niya si Nora Aunor. Maganda na ang track record niya sa showbiz, bongga pa ang record niya bilang public official.
* * *
Ang laki na talaga ng ipinayat ni Senator Jinggoy Estrada at napansin ko ito nang mag-guest siya kahapon sa Startalk para i-promote ang pelikula nila ni Richard Gomez na may pamagat na Bente.
Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Bente kaya ganadong mag-promote si Jinggoy. Rated A din noon ng CEB ang pelikula nina Jinggoy at Lorna Tolentino, ang Katas ng Saudi.
Mga magagandang pelikula ang ginagawa ni Jinggoy kaya dapat natin itong suportahan.
Type ko nga pala ang sinabi ni Jinggoy na hindi dapat katakutan ang A (H1N1) flu dahil mas nakakatakot ang dengue.
Alam ni Jinggoy ang kanyang sinasabi dahil dalawang anak niya ang nagkaroon ng A (H1N1) pero magaling na ang mga bagets.
Bago ko makalimutan, happy anniversary kina Jinggoy at Precy dahil ngayon ang kanilang wedding anniversary.
* * *
Bibinyagan sa last week ng August ang bunsong anak nina Dawn Zulueta at Congressman Anton Lagdameo.
Itataon ang binyag ng bagets sa pagbabakasyon mula sa Amerika ng mga kamag-anak ni Anton.
Kakandidato uli si Anton bilang Congressman ng Davao sa susunod na taon kaya magiging abala sa pangangampanya si Dawn Zulueta.