Alok-Batikos
What is supposedly a 60-second Alok-Bati on Startalk turned out to be a 40-second or so Alok-Batikos last Saturday.
Modesty aside, ang inyong lingkod po ang nakaisip ng segment title na ito ni Lolit Solis since Day One ng Startalk (nearly 14 years ago) to give way to her greetings that range from birthdays to casual product plugs to condolences.
Pero sa kasaysayan ng segment na ’yon ni ’Nay Lolit, sa kauna-unahang pagkakataon ay ‘binatikos’ niya at hindi ‘binati’ ang mga taong dapat niyang pasalamatan, particularly Katrina Halili na ikinadismaya ang pagdadawit kay Dra. Vicki Belo sa kanyang sex video scandal whose medical license she wants revoked.
Ani ‘Nay Lolit sa kanyang Alok-Bati — turned Alok-Batikos, disappointed siya sa naging reklamo ni Katrina who ought to realize na ang kalaban nila rito ay hindi si Vicki kundi si Hayden Kho. The Startalk host (and friend to Vicki) somewhat echoed the firm stand of Quark Henares, anak ni Vicki, who was quoted to have said na si Katrina na nga raw ang nang-agaw ng boyfriend ay siya pa itong may ganang magdemanda laban sa babaeng inagawan niya ng syota.
Regardless kung sino ang nasa katwiran, the fact remains that time is ticking for all the parties concerned in anticipation of what the court has to say. However, 60 seconds won’t be enough.
* * *
Hindi na kataka-taka ang friendly gesture ni Annabelle Rama nang abutan niya ng Zorro umbrella at fan si PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon nang magkita sila nung araw ng cremation kay Douglas Quijano, June 21.
Tita Jo-Ann validated it herself, kilala si Tita A. sa ganung ugali na isasantabi ang anumang gusot bilang paggalang sa panahong ang lahat ng naroon at nagdadalamhati. Between the two ladies, wala nga namang namagitang bad blood until the allegedly libelous article that came out in PEP.
Kung si Tita A. ang tatanungin marahil, she would rather see her son Richard Gutierrez withdraw his case against PEP and its editorial staff. Kaso hindi raw nangangahulugang porke’t higit pa sa pagiging civil ang nangyari sa kanila ay sapat nang dahilan ’yon para iurong ng aktor ang kanyang demanda.
For now, nasa kamay na ng DOJ ang 25 million peso libel suit na isinampa ni Richard against PEP, it’s up to the department to look into the merits of the case kung meron ngang probable case.
By the way, totally unrelated as it is, gusto ko lang sabihin kay DOJ Acting Secretary Agnes Devanadera (na humahawak din sa kaso ng mga alahas ni dating unang ginang Imelda Marcos) na wala pong plural form ang salitang ‘‘jewelry.’’ Pieces of jewelry ang dapat, hindi ‘‘jewelries.’’
* * *
Sa mga ahensiya at cause-oriented groups, umaasa sila na bubusisiin ang kaso ng pinaslang na si Ruby Rose Jimenez during the preliminary investigation scheduled this Friday (June 26) with the DOJ. Subpoenaed were seven respondents including Ruby’s father-in-law Manny Jimenez Jr.
Malaking bahagi rin ang partisipasyon ng media para hindi ma-whitewash ang high-profile case na ito.
- Latest