Vilma walang bakasyon

Kung paanong nakukuhang hatiin ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang katawan is both a mystery and a miracle.

Aminado si Ate Vi na may guilt feelings siya habang nagsu-shoot ng kanyang Star Cinema movie sa New York, dapat sana raw kasi ay summer vacation nila ’yon ng kanyang pamilya. But it turned out to be rigorous hours of work, missing out on family activities.

Ngayong narito na si Ate Vi, mga karagdagan pang programa alay sa kanyang mga kababayan ang pinagkakaabalahan niya, thus leaving little time again for her family.

Just last week, ini-launch ang proyektong Bagong Hanapbuhay alay sa mga Kababayang Batangueño sa pakikipagtulungan kay Mother Ricky Reyes.

The principle therein is a total departure from the commonplace training programs that we know, na basta na lang dine-develop ang skills ng trainee. Sa joint program na ito nina Ate Vi at Mother Ricky, may stipend o allowance ang ibinibigay sa bawat trainee.

What’s more, it encourages the enrolee to start up a business sa pamamagitan ng ipinauutang na puhunan.

Backed up si Ate Vi rito ng lahat ng mga mayors ng buong Batangas from whom ay ia-award nila ito sa mga deserving beneficiaries. Mother Ricky thought it best to tap Ate Vi’s turf dahil sa layunin nitong gawing nationwide ang kanyang entrepreneurship program.

Sa katunayan, naloka nga raw ang pamosong hair & makeup guru sa pangungulit ni Ate Vi sa kanya via all means of communication just to see this project finally take off in Batangas.

***

Good news para sa mga adik sa 5Max Movie blockbusters ng TV5 dahil may new and easy way to access the schedule.

Just text 5Max ON send to 2256 to get regular updates of TV5’s weekend action and suspense-packed movies. And voila, hindi n’yo na kailangan pang lumabas ng bahay as viewing pleasure is delivered right inside your living room.

Show comments