Ogie may secret role sa wedding ni Michelle

Busy si Ogie Alcasid last Sunday na Father’s Day. 

Napaiyak si Ogie sa SOP nang magbigay ng message sa kanya ang mga anak na sina Leila at Sarah from Australia. 

Matagal na raw kasi niyang nami-miss ang mga anak na hindi niya mapuntahan ngayon dahil sa sunud-sunod na mga commitments pero nag-promise siyang very soon ay pupunta siya ng Australia para makita ang mga anak.

Sumunod namang napanood si Ogie sa 2nd anniversary ng Showbiz Central

Sa tanong na ibinigay ni Regine Velasquez, tinanong siya ni John Lapus kung kahit daw ba tumaba si Regine ay sexy pa rin siya sa tingin nito at tama ang sagot ni Ogie na ‘yes.’ 

Hindi na ipinagkaila ni Ogie ang tungkol sa pagpapakasal ng dating wife niyang si Michelle van Eimereen kay Mark Murrow

Matagal na raw niyang alam iyon dahil itinawag sa kanya ni Michelle, pero inilihim niya para maprotektahan ang privacy ni Michelle, dahil hindi raw ito showbiz, lalo na ang boyfriend nito. At hangga’t maaari, ayaw niyang mapasama ito sa mga write-ups tungkol sa kanila ni Regine.

Wala raw namang problem dahil in Australia, divorced na sila ni Michelle at pwede na ito talagang magpakasal.

Inamin din ni Ogie na may part siya sa wedding, pero hindi niya sinabi kung ano. Marami ang nag-isip na baka si Ogie ang kakanta sa wedding nina Michelle at posibleng magkasama silang dumalo ni Regine sa kasalan. Naalaala tuloy namin ang Totoy Bato na si Regine ang kumanta sa kasal ng dating boyfriend na si Totoy kay Tracy (Ehra Madrigal).

***

Happy si Jackielou Blanco na pagkatapos niyang gumanap as Gladys sa movie version ng Viva Films ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, sa Sine Novela ng GMA 7, ngayon ay si Glaiza de Castro naman ang gumaganap sa role at siya ang nanay nito na dating ginampanan ni Laurice Guillen. 

***

Overwhelmed naman si JC Tiuseco nang sabihin sa kanyang siya ang magiging leading man ni Maxene Magalona sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. 

Noong una ay kabadung-kabado siya pero nakatulong daw ang pagwo-workshop niya kay Alex Cortez ng UP at sa guidance ng acting coach nila sa show, si Anne Villegas.

Maganda ang working relationship niya sa mga kasama. 

He played the role of Troy, pinsan niya si Arvin played by Patrick Garcia. Mahilig siyang gumawa ng mga poems and love letters. Pareho silang nagmahal ni Arvin kay Maxene as Maureen, pero siya ay lihim lamang dahil alam niyang mahal din ito ng pinsan.

Bukod sa afternoon soap, daily ding napa­panood si JC sa Unang Hirit. As first Pinoy Sole Survivor, ang P3 million cash prize niya ay ibinigay lahat sa parents niya na nag-open ng softdrink business supplying the whole of Quezon City.

Show comments