^

PSN Showbiz

Mga anak ni Ruffa kinikilig kay John Lloyd

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

See, pati dalawang anak ni Ruffa Gutierrez kilalang-kilala si John Lloyd Cruz? Kahapon sa birthday presentation ng Ruffa and Ai for Ruffa, ang dalawang anak ng actress-TV host ang nagbuking na favorite nila ang aktor.

Actually, parang kinikilig pa ang dalawang bagets na anak ni Ruffa habang sinasabi ang pangalan ng aktor nang tanungin sila ng ina kung sino ang favorite actor nila, though meron silang ibang binanggit na pangalan.

Kahit si AiAi delas Alas ay medyo nagulat sa mga sagot nina Venice and Lorin na kumanta muna bago tsinika.

Nauna nang ibinuko sa The Buzz ng daddy Eddie Gutierrez ni Ruffa ang dinner nila kung saan nag-usap-usap sila – Ruffa kasama ang daddy niya at mommy Annabelle Rama, ang aktor, at ang direktor na si Mr. Johnny Manahan. Magkatabi pa nga raw sina John Lloyd at Tita Annabelle. (Naging issue ang pag-alis ni Ruffa sa bahay nila dahil kay John Lloyd na pinag-awayan ng mag-ina).

Ang tingin ng daddy ni Ruffa, malalim ang friendship ng dalawa. Actually, kinakabahan pa si Ruffa during the interview last Sunday dahil hindi sinayang ni Kris Aquino ang chance para tanungin ang daddy niya. Pero hanggang dinner at malalim na friendship lang ang si­na­got ng beteranong aktor na daddy ni Ruffa.

Ang bottomline, ’pag talagang may usok, may pinanggagalingan itong apoy.

Tigas sa pagtanggi si John Lloyd noon na may something between them. Kahit friendship, itinanggi niya except daw sa lumalabas sila dahil matatapos na ang I Love Betty La Fea though parang nag-iba ng konti ang tono ng sagot niya sa interview ni Mr. Boy Abunda for The Buzz.

***

Ginanap na kagabi ang bonggang-bong­gang coronation night ng 40th Box-Office Enter­tainment Award ng Guillermo Mendoza Memo­rial Scholars Foundation sa RCBC Plaza in Makati.

Masasabing gabi ni Sarah Geronimo yun dahil bukod sa kinoronahan siyang 2008 Box-Office Queen habang si John Lloyd ang Box-Office King, siya rin ang nanalong Concert Performer of the Year at Female Recording Artist of the Year.

Kaya nga raw, dalawang beses itong nagpalit ng gown.

Uy at least pinayagan palang mag-attend ng GMA 7 sina Dingdong Dantes and Marian Rivera na kinoronahang Phenomenal Loveteam for Marimar and Dyesebel.

Maging si Aljur Abrenica na nag­waging Most Promising Male Star of Movies and TV ay dumating din kahit alam nilang sa ABS-CBN ito mapa­panood.

Speaking of Sarah, isang super diehard Sarah fan ang nagkuwento na successful din ang tour nito na Sarah Geronimo The Next One Philippine Tour na nag-umpisa sa Lipa, Batangas last June 12 at sinundan ng Bren Guiao Convention Center concert sa Pampanga last June 20.

May mga kasunod pang sked: Dagupan sa June 26, Cagayan de Oro sa July 3, Bacolod sa July 17, Waterfront Hotel sa Cebu, July 31, Iloilo naman sa Aug. 21, Tacloban sa Aug. 28, Naga sa Sept. 12, Zamboanga sa Sept. 18, at Davao sa Sept. 20.

Naku, super tiyaga ng fan na ito na mag-update tungkol sa ginagawa ng kanyang idolo.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANNABELLE RAMA

BOX-OFFICE ENTER

BOX-OFFICE KING

BOX-OFFICE QUEEN

BREN GUIAO CONVENTION CENTER

CONCERT PERFORMER OF THE YEAR

DINGDONG DANTES AND MARIAN RIVERA

JOHN LLOYD

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with