Pinoy Bingo season end na

MANILA, Philippines - Limang espesyal at naiibang laro ang hindi dapat palampasin sa pagtatapos ng unang season ng bingo game show ng bayan na Pinoy Bingo Night.

Iba’t ibang grupo ng mga bingoers ang makakatunggali ng mga celebrity players na sisimulan ngayong Lunes ng international singing sensation na si Charice sa kanyang pakikipagtuos sa 200 studio players na mula pa sa sampung magkakaibang angkan.

Haharapin naman ng isang mystery player ang bingoers na pawang mga single ladies bukas, Martes, habang mga kalbong bingoers naman ang kailangang pataubin nina Tita Glow at Vice Ganda pagsapit ng Miyerkules (June 24).

Huwag na huwag bibitiw pagdating ng Huwebes (June 25) at alamin kung sina Nikki Gil at Iya Villania na ba ang bibingo o isa sa kalabang student bingoers ang magpapatuloy ng kanilang laro at mag-uuwi ng isang milyon.

Tiyak bibingo naman kayo sa kwela’t saya dahil ang Parokya ni Edgar hahamunin ang 200 na bading. 

Simula nang ilunsad ang programa ngayong taong ito ay 10 na ang hinirang na BINGOnaryo at nakapagpabago ng buhay ng mga regular players - sina Claire Magsino, Evangelista Piano, Fe Ruiz, at Rosanna Guevarra. Wagi rin ang mga celebrity players na sina Vhong Navarro, John Prats, Angel Locsin, Andrew E, Karylle and Kitkat, Yeng Constantino and Bugoy Drilon.

Patuloy itong namamayagpag sa national rating at laging kabilang sa Top 20 programs base sa survey ng TNS Media Research.

Alamin na ang lahat sa huling linggo ng Pinoy Binggo Night, kasama ang host na si Kris Aquino, pagkatapos ng Tayong Dalawa sa ABS-CBN.

Show comments