Manika ni Charice may sariling yaya

Seen : Ang manika ni Charice. May sariling yaya ang manika ni Charice.

Ang yaya ang nagbabantay sa manika habang busy si Charice sa mga showbiz engagement. Si Charice ang bagong Rita Avila.

Scene : Maraming projects na naka-line up ang Abs-Cbn para kay Maricar Reyes. Nakatulong ang pananahimik ni Maricar sa sex videos scandal upang makuha niya ang simpatiya ng publiko.

Seen : Sinasaluduhan ang desisyon ng DOJ prosecutor na awatin sa pagpapainterbyu sa media ang mga abogado ng mga sangkot sa sex video scandal ni Dr. Hayden Kho,Jr.

Nasa proper forum na ang kaso. Dapat nang supilin ang mga nag-e-enjoy sa media attention.

Scene : Ngayon ang pilot telecast sa GMA 7 ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Si Patrick Garcia ang lead actor at may pressure ito dahil kailangang patunayan na kaya niya na mapa-rate ang show na ibinigay sa kanya.

Seen : Ang patalbugan ng The Buzz at Showbiz Central. Magkasabay na ipinagdiwang ng The Buzz at Showbiz Central ang kanilang mga anniversary.

Scene : Ang mga billboard ni Piolo Pascual sa Edsa. Hubad si Piolo sa Bench billboard, hubad pa rin siya sa billboard ng Belo Clinic. Hubad, Piolo, hubad!

Seen : Sina Carla Abellana at Marian Rivera sa anniversary show ng GMA 7. Kulang pa sa kumpiyansa sa sarili si Carla at oozing with confidence si Marian.

Scene : Ang gumagandang takbo ng TV career ni Coco Martin. Napapansin na siya ng mga executive ng Abs-Cbn. Nagbunga na ang kanyang matagal na paghihintay.

Show comments