MANILA, Philippines - Maligayang araw sa lahat ng mga dakilang tatay sa mundo.
***
Uy puwede kayang ma-develop si Kristine Hermosa kay Piolo Pascual?
Why not. Pareho silang walang relasyon at walang masama kung magiging sila.
At lalong magiging malapit sila dahil umapir si Piolo Pascual sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja simula kahapon.
Yup, siya pala yung sinasabi nilang bonggang aktor na ‘makakaagaw’ ni Derek Ramsay kay Kristine.
Kaya nga isang malaking twist ang magaganap sa Maruja sa pagpasok ng ultimate heartthrob ng bansa sa mundo ni Cristy (Kristine Hermosa).
Kung kailan mukhang malinaw na ang lahat sa pagitan ni Ross (Derek Ramsay) at Cristy, isang bagong karakter na gagampanan ni Piolo ang maghahatid ng kagulat-gulat na katotohanan na tiyak ay ikabibigla ng lahat.
Ang pagpasok ni Piolo sa nasabing serye ay talagang nakaplano. Pero nagdesisyon ang ABS-CBN management na huwag munang ibunyag ang tungkol rito para lalong ma-excite at mag-usisa ang mga manonood.
At ngayon na nga ang tamang panahon para lumantad ang karakter ni Piolo kasabay ng pagsabog ng isang malaking sikreto.
Mapapanood ang Maruja every Saturday after Cinema FPJ on ABS-CBN.
Eh paano na si KC sa Lovers In Paris?
***
MacBook sa halagang P46.11?
Hmmm, puwede! Kapag nakuha mo ang pinakamababang tawad o subasta (bid) sa pinakabagong auction service — Bid Wars!
Produkto ng Philweb, sa pakikipagtulungan ng The Philippine STAR at SM Appliance Center, ang Bid Wars ay isang mobile reverse auction service dahil ang isang item na magugustuhan ay hindi mapupunta sa pinakamataas makipagtawaran kundi sa pinakamababang alok.
Bukas ito sa lahat ng mga subscribers ng Smart at Talk N’ Text sa buong Pilipinas. Ang Bid Wars ay magkakaloob ng tsansa na mabili ang auctioned item sa loob ng isang linggo sa isang subscriber na makapagpapadala ng lowest bid sa cut-off day at oras (umpisa tuwing 10 p.m. ng Huwebes at magtatapos sa susunod na Huwebes ng 9:59 p.m.).
Bawat linggo, iba’t ibang bagay ang puwedeng pagpilian ng lucky bidder, may mga cellphones, appliance showcases, o electronic gadgets.
Araw-araw, may P1,000 worth ng gift certificate o mobile phone prepaid load na ia-award din sa bidder na may pinakamababang offer! Bawat item ay may minimum na P1.00 at ang mga bidders ay pwedeng magbaba o mag-angat ng one centavo, halimbawa, P1.02. Walang limit sa pagbi-bid at sa pipiliing bagay.
Maaaring tingnan sa The Philippine STAR at Pilipino Star Ngayon ang mga pangalan ng napiling bidders.