Daboy at Douglas 'hinihintay tumawag' ni Lolit Solis

Hindi malungkot ang paligid sa misa sa lamay ni Tito Douglas Quijano last Thursday night na sponsored ng Professional Artist Managers Inc. (PAMI).

Maganda ang mga sinabi ng pari na malaki ang nagawa ni Tito Dougs para ma-transform ang buhay ng maraming tao at sapat na ‘yun para hindi malungkot ang mga kaibigan, pamilya at lahat ng nagmamahal sa kanya.

Sabi ng pari, una-una lang ‘yan.

Bukod sa misa, may maigsing programa. Kumanta si Pops Fernandez at Erik Santos at unang discovery ni tito Dougs na si Tirso Cruz III.

Nagsalita rin si Tita Lolit Solis, PAMI member na parang nagbibiro lang sa simula, pero nakakaiyak nang matapos na.

Tulad ng mga una niyang kuwento, literal na kay tito Dougs nag-umpisa ang buhay niya sa showbiz.

Pareho raw sina Tito Dougs at Daboy (Rudy Fernandez) sa dalawang taong mahilig tumawag sa kanya. At magkasunod ang pangalan nila sa celllphone niya na wini-wish niya minsan na sana, pagnagri-ring ang phone, sila na ang tumatawag.

Nag-decide din siyang hindi tanggalin ang phone number ng dalawang minahal niya dahil para sa kanya, mananatili silang buhay.

May naka-ready na prayers ang PAMI.

Star studded ang nasabing misa dahil bukod sa mga alaga ni Tito Douglas – mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, John Estrada, Joey Marquez, Janice and Gelli de Belen, present din ang mag-asawang Aga and Charlene Muhlach, Maricel Soriano, Batangas Governor Vilma Santos, Gretchen Barretto, Tirso Cruz III, Susan Roces, Mother Lily Monteverde, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez. Humabol si Jake Cuenca.

Bukod sa misa, may ilang eksena.

Umiral na naman ang pagiging peacemaker ni Tito Dougs.

Bago nagsimula ang misa, binati na ni Nadia Montenegro si Gretchen Barretto.

Unang nakaayos sa wake niya ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.

 Nakunan ng TV at photographers nang lapitan ni Nadia si Gretchen para yakapin.

After ng mass, may nakausap si Nadia at sinabi nitong, wala lang, kakalimutan na nila ang lahat at pakiramdam niya, ‘yun ang tamang panahon pa mag-usap sila.

Doon din nagkaayos sina Pops Fernandez at Jomari Yllana.

Bukas naka-schedule ang cremation ni Tito Dougs.

Dadalhin ang abo niya sa Lucban, Quezon kung saan siya inabutan ng kanyang huling sandali ng buhay.

Halos magkasunod lang ang birthday at 40 days ni Tito Dougs na ayon kay Goma ay malamang nasa bahay nila ang abo ng dating talent manager sa nabanggit na ‘okasyon’ sa buhay ni tito Dougs.

Tungkol naman sa mga naiwang alaga ni Tito Dougs, sabi ni Goma, mag­mi-meeting uli sila sa Linggo kung ano ang magiging decision nila. Kung kukuha ba sila ng manager na sama-sama o kanya-kanya na lang dahil solid na grupo na sila.

* * *

Naglabas ng statement ang Belo Medical Clinic tungkol sa pagpunta ni Katrina Halili para i-apela na tanggalan din ito ng lisensiya:

Read ninyo ang statement:

Dr. Hayden Kho is a graduate of the University of Sto. Tomas College of Medicine and Surgery and has performed over 300 liposuction procedures at the time he did Katrina Halili. As evidenced by numerous posters, billboards, TV appearances, and video and photographic materials, the results of Katrina’s liposuction were more than satisfatory. There were no reports of any complaints from any parties after the procedure was completed. Based on every possible criteria, the liposuction performed on her may not be termed as anything but a complete success.

Heto naman ang statement ng PMA:

From Atty. Bu Castro, spokesperson of the Philippine Medical Association (PMA). At present, there is no formal residency or training program for liposuction procedure recognized by the PMA. Under the eight divisions of the PMA, there is no recognized specialist in doing liposuction. At most, affiliation is the only recognition given by the PMA, but it does not constitute as a specialty. There is no internal regulation under the PMA on who are recognized to practice liposuction in the Philippines.

Show comments