Maricar Reyes bagong pantasya ng bayan

Seen :

Ang mga gold fish at mini aquarium na ipinamigay sa mga reporter sa presscon ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

Kakaiba ang give-aways ng GMA 7.

Scene : Magbabalik-bayan si G Tongi sa July 5.

Ginagawang big deal ng mga kaibigan niya ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas at ang pag-aaral niya sa UCLA.

Seen : Ang mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Francis Pangilinan sa airport. Matagal na nawala si Sharon sa Pilipinas dahil sa kanyang concert tour sa Amerika.

Scene : Ang mga Filipino indie movie na maaaring i-download mula sa Youtube.

Mahihirapan ang OMB na sugpuin ang film piracy.

Seen : Dumarami ang male fans ni Maricar Reyes. Naging pantasya nila si Maricar dahil sa mga eksena nito sa sex videos nila ni Hayden Kho, Jr.

Scene : Si Katrina Halili ang magiging kontrabida ni Carla Abellana sa Rosalinda.

Si Katrina ang ipinalit kay Cristine Reyes dahil hindi ito pakakawalan ng ABS CBN.

Seen : Natalbugan na ni JC Tiuseco si Ranier Castillo.

Si JC na ang may hawak ng Killer Smile title.

Scene : Ibinebenta ni Francine Prieto ang kanyang cellphone sa halagang P29,000, three months to pay.

Show comments