Gaya nang inaasahan, hindi nagsalita si Ogie Alcasid sa nasulat namin kahapon na November wedding ng ex-wife niyang si Michelle van Eimeren sa fiancé nitong si Mark Murrow. Tumataas ang boses nito ‘pag tungkol doon ang tanong ng press sa first shooting day ng Spoiled Brat (Whatever Yaya) movie nila ni Michael V. sa direction ni Mike Tuviera at co-produced ng APT Entertainment at GMA Films.
“Hindi ko alam ang tungkol d’yan, narinig ko lang. Kung may in-announce man siya sa Facebook, para sa friends niya ‘yun. Hayaan n’yo na sila, private sila at respetuhin na lang natin, but I’m very happy for them, of course,” sabi nito.
Ang mga sumunod na tanong, gaya nang kung susunod na silang magpapakasal ni Regine Velasquez, kung dadalo sila sa kasal nina Michelle at Mark Murrow at kung payag silang kumanta sa kasal ng dalawa ay ‘di nito sinagot at puro “sana puwede akong sumagot” ang reaction dahil bawal nga siyang mag-comment sa relasyon nila ni Regine.
* * *
Magandang sorpresa kay Andrei Yllana ang pagsasama ng parents niyang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa pelikula’t sila ang gaganap na parents ni Angelina (Ogie Alcasid) sa Spoiled Brat. Hindi ipinaalam ng dalawa sa kanilang anak na may pelikula sila at malalaman lang ng bagets sa TV at dyaryo.
Ang pelikulang Kahit Kailan ang last project nila together at sabi ni Aiko, nililigawan pa lang siya ng aktor.
Aiko: “Okey naman! Comfortable akong katrabaho si Jom, no bad blood between us at ang maganda, kahit matagal kaming ‘di nagkatrabaho, ayos pa rin kami.”
Jomari: “Excited ako dahil bukod sa kasama ko si Aiko, matagal ko nang gusto na gumawa ng something comic sa TV o movies man. Tapos pampamilya pa at kasama sina Ogie at Michael V na number one and hottest tandem ngayon. Masarap silang makasama.”
Binibiro ang dalawa sa set at sabi ni direk Mike, lalagyan niya ng love scene na sabi ni Aiko, ready siya at sagot naman ni Jom, kinikilig siya.
Kuwento ni Jomari, nagbabakasyon siya nang tawagan ni Douglas Quijano na naka-commit na siya sa nabanggit na pelikula. Hindi na sila nakapag-usap at kay Malou (Choa-Fagar) na lang niya nalaman kung anong project ang gagawin niya.
Sino na ang magiging manager niya at ng ibang talents ni Douglas?
“Ang concern ko ay ang grupo dahil parang alliance ito, si Dougs ang nagbuo sa amin at para kaming family. Kung sino ang magha-handle sa amin, ‘di pa namin alam. Magmi-meeting kami dapat, uupuan namin kung ano ang magandang gawin para sa grupo. Ang main plan namin is to put up a foundation for Dougs dahil ang dami niyang pinag-aaral at i-absorb ang nagtatrabaho sa kanya gaya ng driver at kasambahay niya,” sabi ni Jomari.
Present si Mr. Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar sa first shooting day na ginawa sa isang bahay sa Pacific Village sa Alabang. Sa kanila namin nalamang September ang playdate ng movie at guests sina Regine Velasquez at Dennis Trillo.
* * *
Fans niya ang kasama ni Wendy Valdez nang mag-celebrate ng birthday niya noong June 2 dahil may trabaho ang nobyo niyang si Bruce Quebral. Nagkikita lang sila ‘pag binibigyan ng lay-over ang binata, kung saan may one day free from work siya bilang flight attendant ng Emirates at every month ito, kaya hindi niya masyadong nami-miss.
Itinanggi ni Wendy na nagpakasal sila ni Bruce, gusto lang daw ng fans na magkatuluyan sila, kaya inuunahan ang balita. Hindi rin totoong ayaw ng mom niya sa BF dahil ‘pag may lay over si Bruce, pinapadalhan pa ng nanay niya ng kutsinta na paborito ng boyfriend.
Para hindi masyadong malungkot, iniisip na lang ni Wendy na may taping abroad si Bruce at nagpu-focus na lang siya sa trabaho. Partner sila ni Will Devaughn sa One In A Lifetime episode ng Bud Brothers at umaasang masama sa primetime show ng ABS-CBN.