“Miss Tito Dougs like hell!”
Sabi ng magaling na writer na si Jake Tordisellas sa Facebook.
Actually, lahat ng kaibigan ni Tito Dougs, ganyan ang sinasabi lalo na ng kanyang mga alaga.
Si Joey Marquez, hanggang ngayon ay hindi pa tanggap ang nangyari sa manager na minsan niyang pinaalalahanan na “Dougs ingatan mo ang sarili mo, paano na kami ’pag wala ka na.”
Si Joey ang nag-aayos ng naiwang bahay ni Tito Dougs sa Lucban, Quezon.
Pinag-uusapan pa rin nila kung dadalhin sa Lucban ang abo ni Tito Dougs after ng cremation sa Saturday dahil may kaibigan itong nagsasabi na sa lugar na ito naging masaya ang talent manager.
Dumating na si Richard Gomez at Lucy Torres last Tuesday pa at naging emotional ang mag-asawa sa sakit na nararamdaman sa pagkawala ni tito Dougs na hindi lang naging talent manager ni Goma, kundi isang ama sa aktor at sa naging asawa at anak ni Goma.
* * *
Lungkot na lungkot din ang mga taga-Ethnic Home, ang favorite furniture store ni Tito Dougs sa Makati.
Kuwento ni Donie, staff ng Ethnic Home, three days before he died, dumalaw pa ito sa kanila. Bumili ng throw pillow para sa kanyang kotse dahil nagko-complain na masakit ang paa niya.
Kuwento pa ni Donie, bukod sa nasabing throw pillow, namakyaw daw ng teak oil (panlinis sa mga teak furniture) si Tito Dougs dahil uuwi raw siya ng Lucban.
Karamihan sa nakalagay na furniture sa ‘dream house’ ni Tito Dougs sa Lucban ay binili niya sa Ethnic Home. Galing ng Indonesia ang mga items ng Ethnic Home na pag-aari ni Janet Yao na nakagiliwan nitong bilhin.
Minsan nga raw, nag-deliver pa sila sa Lucban ng mga gamit sa bahay.
Karton-karton din daw kung bimili ng kandila si Tito Dougs sa kanila.
“Yun pala huling kita na namin sa kanya,” sabi ni Donie.
* * *
May bagong version ng sex video si Dr. Hayden Kho, Jr. kasama ang aspiring actress na si Maricar Reyes na nagkalat ngayon sa cellphone.
Mas luma ito kesa sa mga naunang sex video ng dating magka-relasyon. Mas bata pa si Maricar at parang pango pa ang ilong ni Hayden.
Pero mas grabe, wild ang mga eksena.
Mas malala pa sa porno film ang nasabing video.
Grabe ang frontal at actual love making.
Painit nang painit ang mga eksena. With matching audio.
Pinag-uusapan nila ang pagbili ng laptop ni Maricar sa simula na naging paraan ni Hayden para ma-set up ang camera ng laptop kaya frontal ang lahat ng frame.
Kawawang Maricar. Wala na siyang naitago sa nasabing video.
Sino kaya talagang nagkakalat ng sex video?
Obviously hindi pa siya natatakot.