Michelle van Eimeren magpapakasal na sa Australia

Sa kanyang Facebook account, isinulat ni Michelle van Eimeren na nakabili na siya ng wedding gown. Ibig sabihin, magpapakasal na siya, altho’ wala siyang binanggit na buwan at petsa kung kailan sila ikakasal ng fiancé niyang si Mark Murrow.

Nagtanung-tanong kami at nalamang November this year ang kasal nina Michelle at Mark, aabangan uli namin ang announcement niya sa Facebook ng exact date ng kanilang kasal.

Ngayong magpapakasal na sina Michelle at Mark, sana sumunod na ang annulment ng church wedding nina Michelle at Ogie Alcasid para makapag-pakasal na sina Ogie at Regine Velasquez para everybody’s happy.

Dahil magkakaibigan sina Michelle, Mark, Regine at Ogie, hindi nakakagulat kung dumalo sina Regine at Ogie sa kasal nina Michelle at Mark. Remember, isinama rito ni Michelle ang fiancé last year para manood ng 20/20 concert ni Ogie sa Araneta Coliseum.

* * *

Cover ng July issue ng Maxim magazine si Jackie Rice at ito na yata ang simula sa nabanggit sa aming pagbabago ng image ng StarStruck 3 winner. Paseseksihin daw ng konti lang naman ang kanyang image at hindi mala-Katrina Halili na pagka-sexy.

Disenteng seksi ang description sa amin ng cover photo ni Jackie ng magasin pati mga litrato sa loob, pero magugulat pa rin ang makakakita dahil first time nitong ginawang mag-pose nang ganu’n kaseksi.

Kaya lang, sa magpa-pilot na afternoon soap ng GMA 7 na Kung Agawin Mo Ang Lahat Sa Akin sa June 29, sweet pa rin ang role ni Jackie bilang kapatid nina Maxene Magalona at Glaiza de Castro. Sa susunod na show siguro nito ilalabas ang kaseksihan na tiyak marami ang mag-aabang. Nagpaalam kaya siya kay Biboy Ramirez?

Show comments