Pa-misa ng PAMI mamaya na

MANILA, Philippines – May pa-misa para sa showbiz industry na inorganisa ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) na gaganapin ngayong Martes (June 16), 7 p.m., sa Fr. Estioko Hall ng Christ the King Seminary, sa 101 E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Dalawang prominenteng healing priests, sina Father Joey Faller at Father Glen Gomez, ang naatasan ng PAMI na mag-officiate sa misa.

Ang PAMI president na si June Rufino ay nanawagan sa lahat ng nasa industriya ng entertainment na pumunta at makiisa sa panalangin. Minsan lamang ang ganitong pagsasama-sama sa misa ng mga nasa showbusiness.


Show comments