Douglas Quijano, maligayang paglalakbay; Erik Chua sinopla ng kampo ni Belo
Biglaan ang pagkawala ni Tito Douglas Quijano kahapon, 10:00 ng umaga sa kanyang ipinagawang bahay sa Lucban, Quezon.
Umiiyak ang buong industriya nang malaman ang shocking na balita.
Isa si Tita June Torrejon sa sobra ang iyak kahapon dahil kay Tito Douglas nagsimula ang career niya sa showbiz.
“Si Douglas ang nagpasok sa akin sa Regal noon,” sabi ni Tita June sa kabilang linya habang umiiyak. “Siya ang gumawa ng buhay ko,” dagdag niya.
Dalawang beses pa raw itong tumawag sa kanya isang araw bago nakitang walang buhay si Tito Dougs para magkuwento ng tungkol kay Richard Gomez (alaga ni Tito Douglas) na nagpunta ng Amerika para sa isang Independence day show kasama sina Heart Evangelista.
Dahil sa nangyari, agad babalik ng bansa si Goma.
Mahal ng industriya si Tito Douglas dahil sa kabaitan at pagiging humble nito.
Balitang worth P9 million ang ipinatayong bahay ni Tito Dougs sa Lucban para gawing retirement house.
Ang talent manager at dating writer na si Ces Evangelista ang kasama niya sa bahay nang makita siyang wala ng buhay.
Huli kong nakasama si Tito Dougs last Tuesday (June 2) para sa birthday dinner for Tita June na treat ni Mayor Toby Tiangco sa Tangerine in Greenhills.
Present sa nasabing dinner sina Tito Ricky Lo, Ms. Girlie Rodis, Ms. Shirley Kuan, Edu Manzano, Tita Dolor Guevarra, direk Boots Plata, and Jake Tordesillas.
’Pag may happening/commitment dito sa Manila, lumuluwas si Tito Dougs galing ng Lucban.
Anyway, sa kuwento ni Tito Ces, busy ito buong araw noong Biyernes dahil may ipinagawa pang wall at may mga biniling painting sa Malaysia na ipinakabit niya.
Dagdag na kuwento pa ni Ces sa Startalk, ang kaibigan ni Tito Dougs na kasama sa huling sandali ng buhay nito sa Lucban, Biyernes ng hapon ay sinamahan niya ito sa doctor dahil giniginaw.
Pero after na magpa-check up sa doctor, umuwi na rin sila at diretso nang natulog. Narinig daw niyang pinatay ang aircon.
At dahil alam nilang may nararamdaman, kinaumagahan ay tiningnan nila ito at sinilip sa bintana.
Nakatagilid daw at tulog. Pero nang hindi pa ito nagigising ng 10 a.m. pinabuksan na nila ang bedroom at doon nakita ni Tito Ces na nakadapa na ito katabi ng kama.
Hindi agad siya lumapit. Tinawag muna niya ang driver at nang makita ay umiiyak na dahil nangingitim na si Tito Dougs.
As of presstime, nagtipun-tipon ang mga kaibigan ni Tito Dougs, particular na ang Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) para pag-usapan ang plano ng wake ni Tito Dougs.
Maging ang mga alaga niya ay agad nagkita-kita para sa plano sa huling sandali ni Tito Dougs.
Isa siya sa haligi ng industriya ng showbiz at marami siyang natulungan para makapasok sa showbiz.
Kasama sa mga alaga niyang pinasikat sina Richard Gomez, Lucy Torres, Joey Marquez, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Wendell Ramos, Gelli de Belen, Janice de Belen, ang Guwapings na sina Eric Fructuoso, Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez.
Marami rin sinulat na pelikula, naging line producer, producer siya sa maraming pelikula ng Regal at Viva Films.
Paalam, Tito Dougs. Salamat sa masasayang alaala.
Maligayang paglalakbay.
***
Sinopla ng kampo ni Dra. Vicki Belo ang akusasyon ni Erik Johnston Chua sa interview nito sa ABS-CBN na si Dra. Belo lang ang puwedeng magkalat ng mga sex videos ni Dr. Hayden Kho, Jr. dahil ito lang ang may kopya ng mga original copies.
Maging ang affidavit na ibinigay ni Erik ay sinabi ni Atty. Adel Tamano na mali-mali ang mga detalye at maraming butas dahil kinopya lang nito sa affidavit ni Dra. Belo na ibinigay sa NBI.
Bukod kay Atty. Tamano, nag-apir din sa Startalk ang anak ni Dra. Belo na si direk Quark Henares at ibinuking niyang minsan ay naikuwento ni Erik na binibenta niya sa ABS-CBN ng P200,000 ang mga sex videos na hawak niya.
- Latest