David Carradine hindi nagpakamatay
LOS ANGELES — Isang forensic pathologist ang nakakita ng ikalawang otopsiya ng Kung Fu at Kill Bill star na si David Carradine sa hiling ng pamilya ng aktor noong Biyernes at nagsabing hindi pagpapatiwakal ang nangyari pero tumanggi nang magpaliwanag kung bakit.
Sinabi ni Dr. Michael Baden sa Reuters na gusto munang sarilinin ng pamilya Carradine ang mga detalye hangga’t hindi pa nakukumpleto ang imbestigasyon.
“There are certain findings of the autopsy that would indicate that it’s not a suicide, but I don’t want to go beyond what’s been said until we can review all the information coming in from Thailand and come to a final opinion as to the cause and manner of death,” paliwanag ni Baden, host ng HBO’s Autopsy series.
Si Carradine, 72, ay natagpuang nakasabit sa closet niya sa kanyang hotel suite sa Bangkok noong June 4. Inilipad noong isang linggo sa Los Angeles ang kanyang mga labi.
Naibalita na nagpakamatay o aksidenteng “autoerotic asphyxiation” ang posibleng naging dahilan ng pagyao ng aktor. Ayon sa mga Thai authorities, maaaring abuting ng ilan pang linggo bago magkaroon ng konklusyon base sa toxicology at lab reports.
- Latest