^

PSN Showbiz

Madonna pinayagan nang mag-ampon ng Malawi court

-

BLANTYRE – Pinayagan na si Madonna noong Biyernes para makapag-ampon ng ikalawang beses sa Malawi, kahit pa ang ama ng apat na taong gulang na batang babae ay nagbago ng isip at gustong bawiin ang anak kaya may mainit uling kontrobersiya ang US pop star.

Binaliktad ng Malawi Supreme Court ang naunang nilabas na pahayag ng lower court noong Abril na nagsabing hindi maaaring ampunin si Mercy James ni Madonna dahil hindi siya residente ng southern African country.

Rights groups have accused the government of giving Madonna special treatment and said the case would encourage foreigners to think they can adopt Malawian children at will.

Ang ama ni Mercy na si James Kabewa ay nagsabing hindi dapat payagan ng korte na ipaampon ang anak niya kay Madonna.

“No one wants to listen to me, I have protested this all along... I want my child back but I don’t know what to do now,” panawagan ni James sa Reuters nang makausap sa telepono mula sa bayan niya sa Malawi.

Umalis sa trabaho bilang guwardiya si James para labanan ang kaso ng adoption at sinasabing sinusuportahan siya ng isang tiya.

Pero malabong may magawa pa ang ama ng aampunin. Hindi na mababago ang desisyon ng Supreme Court. Ayon pa sa Chief Justice na si Lovemore Munlo, nagpakita naman si Madonna ng interes na tulungan ang iba pang naulila, tulad ni Mercy, at garantisado na ang pagkakaroon ng magandang buhay ng bata sa singer.

 Sa pahayag naman ni Madonna, sinabi niyang “I am ecstatic... My family and I look forward to sharing our lives with her.”   

ABRIL

AYON

BINALIKTAD

BIYERNES

CHIEF JUSTICE

JAMES KABEWA

LOVEMORE MUNLO

MALAWI SUPREME COURT

MERCY JAMES

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with