Darna lilipad na!

MANILA, Philippines - Sa darating na halalan, lalong hihigpit ang laban para sa pinakamatataas na posisyon sa gobyerno. Mula sa mga kandidato hanggang sa mga election watchdog at botante, lahat ay armado ng mga pinakabagong gamit at paraan na hatid ng teknolohiya.

Ngayong Linggo (June 14), silipin ang namumuong labanan kaugnay sa halalan sa cyberspace sa Ako ang Simula: Sigaw ng Pagbabago sa ABS-CBN Sunday’s Best.

Sa mahigit 35 milyong Pilipino may cellphone at mas marami pa sa sampung milyong gumagamit ng Internet, malaking tulong nga ba ang alternative media sa mga kampanya ngayong eleksyon?

Ngayon pa lamang ay marami nang mga kandidato sa pagka-presidente ang mayroong kanya-kanyang mga website o networking site. Marami na rin ang mga partido na nangangampanya sa pamamagitan ng pagpapakalat ng text messages.

Hindi rin nagpapahuli ang mga election watchdog na maniniguradong malinis ang halalan. 

Hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs ang Ako Ang Simula na sisiyasatin ang mga maaaring epekto ng teknolohiya sa darating na halalan: hindi lamang sa pangangampanya kundi pati sa pagbabantay ng bawat boto ng mga Pilipino.

Huwag palampasin ang  Ako ang Simula: Sigaw ng Pagbabago  kasama ang ABS-CBN anchors na sina Julius Babao, Atom Araullo, at T.J. Manotoc sa ABS-CBN Sunday’s Best, pagkatapos ng TV Patrol Linggo.

***

Sa pagdiriwang ng ika-59 na taon ng tagumpay na lalong pinaingay ng kampanya para sa Greater and Grateful at 59, ihahatid ng GMA Network ang espesyal na TV plug na magpapakita ng mga bagong primetime show nito sa mga susunod na buwan ng 2009.

Unang eere sa top-rating musical variety show na SOP, ang 90-seconder na plug ay magtatampok sa mga pinakamalalaking Kapuso star na magbibida sa mga bagong primetime offering ng Siyete. Showcase ito ng mga temang pag-ibig, kabutihan, tiwala at pag-asa.

Matitikman ang Filipino flavor ng celebrated Mexicanovelang Rosalinda kasama ang pinakabagong Kapuso star na si Carla Abellana sa kanyang pinakanatural na aura. Sa plug, makikita siyang lumalakad habang sinasabuyan ng mga bulaklak tungo sa love interest na si Geoff Eigenmann (Fernando Jose). 

Samantala, ang Kapuso primetime superstar na si Marian Rivera ay lilipad pahimpapawid suot ang kanyang wonder two-piece costume bilang Darna. 

Ang highly acclaimed Survivor Philippines naman ay magkakaroon ng second season ngayong Agosto, kasama pa rin ang A-1 host na si Paolo Bediones. 

Ang Kapuso charm na si Dingdong Dantes ang tumatayong male opposite sa Stairway to Heaven. Sa kanyang pamamalagi sa karnabal ng buhay, nananatiling puno ng pag-asa ang kanyang karakter sa laro ng pag-ibig. 

Ang Telebabad pride na si Richard Gutierrez naman ang male lead sa Full House. Malayo sa kanyang usual hype sa action, dito’y bukas s’ya sa buhay pamilya at walang hanggang ugnayan.

Ang omnibus plug ay dinerehe ni GMA AVP for Post Production Operations Paul Ticzon. Ang multi-awarded cinematographer at GMA VP for Post Production na si Ding Achacoso ang director of photography, samantalang si Vince Gealogo ang assistant director. Si Ingrid Navarro mula sa GMA Post ang tumayong producer.

***

Ang ikalawang Linggo ng buwang ito ay inilalaan para gunitain o bigyang-parangal si itay.

Panoorin alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga ang Life and Style With Ricky Reyes sa QTV-11 ngayong Father’s Day dahil may dalawang true-to-life na istorya na itatampok mula sa panulat at direksiyon ni Gary de Leon.

Isang amang nalihis ng landas at nabilanggo pero paglabas ng kulunga’y nahirapang mabawi ang pagmamahal at pagtitiwala ng pamilya.

Ito si Tatay Nap Paglaya. Simple pero masaya naman ang kasaysayan ni Tatay Elpidio na dating palaboy, tagahugas ng kotse, at natutong mag­maneho. Ngayo’y taxi driver siya na may 11 anak sa Basta Driver Sweet Lover.

Gagala ang research team ng programa para hingan ng pahayag ang iba-ibang tao tungkol sa kani-kanilang ama. At ang host-producer na si Mother Ricky Reyes ay magbibigay ng fashion tips sa lahat ng mga tatay.

At sa TESDA Bida, tunghayan ang nakapag­bibigay ng inspirasyon na kuwento ni Sec. Boboy Syjuco tungkol sa isang computer electronic tech­nician na nakapag-aral sa ilalim ng scholarship program ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Show comments