Villa Estrella minulto

Bagaman at maituturing na baguhang direktor sa pelikula si Rico Ilarde, first movie lamang niya ang Villa Estrella, bahagi siya ng creative team ng Star Cinema. Ilang ulit na siyang nakapag-direct ng mga horror shows ng ABS-CBN. Forte niya ang mga ganitong uri ng palabas. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-16th anniversary ng Star Cinema, ipinagkatiwala sa kanya ang isang pelikula tungkol sa isang kabataang babae na ginagambala ng mga panaginip na parang mga bangungot na. Nawalan siya ng pag-ibig pero sa paghahanap ng bago, horror ang natagpuan niya.

Sina Joel Mercado, Adolf Alix, Jr. at JP Abel­lelar ang gumawa ng script.

Sina Shaina Magdayao, Maja Salvador, Geoff Eigenmann at Jake Cuenca ang apat na kabataan na starring sa pelikula. Lahat sila ay excited at hopeful na sana, marami ang sumuporta sa pinalaking pelikula nila na pinaniniwalaan ng kanilang direktor na hindi pahuhuli sa ibang mga pelikula ng Star Cinema dahil hindi ito tinipid sa budget. Katunayan, hindi raw ito nalalayo sa mga horror films na ginawa ni Chito Roño. Pinagawan ito ng napakagandang set, ang underwater at visual effects ay pinagbuhusan talaga ng atensiyon.

 “Akala ng mga manonood na kapag horror ay pangit na pero sa Villa Estrella, makikita ang conscious effort na maging maganda ang set at pagmukhaing laging magaganda ang mga artista,” anang direktor na hindi na bago sa paggawa ng ganitong klase ng panoorin.

Para sa kanilang role, sinanay pa sina Shaina at Maja para sa kanilang underwater scenes. Kumpara kay Shaina na makikitang kung di tumatakbo ay tumatalon sa pelikula, mas brutal ang mga eksena ni Maja.

Inamin ng mga artista na ang katatakutan sa pelikula ay nag-extend sa likod ng kamera. Si Maja, palaging nararamdaman na kapag pumupunta siya ng CR ay may nakatingin at nagmamasid sa kanya. ‘Yung nagme-make-up kay Shaina, nagkuwentong nakakakita ito ng babaeng hindi kasama sa produksiyon. At si Shaina, sumuot ang paa sa lugar na pinag-iistambayan nila, Namaga ang paa niya at hindi nakalakad. Nahinto sumandali ang shooting nila dahil dito. At si Jake, nagsabing may mga props na ginagamit sila na nagmumukhang nginatngat ng mga hayop kapag hindi nila ginagamit.

Wala si Geoff sa presscon ng movie para magkuwento ng kanyang personal na karanasan habang nagso-shooting sila. Nataon lamang na may taping siya pero nangakong tutulong sa promo ng movie.

Kasama rin sa pelikula sina John Arcilla, Ronnie Lazaro, Celine Lim, Empoy, Rubi Rubi, may ispesyal na partisipasyon sina Liza Lorena at John Estrada.

Palabas na sa mga sinehan sa unang araw ng Hulyo.

***

Ipagpapatuloy ni Carlo Maceda ang pagpo-prodyus niya ng indie film. Nalaman ko ito mismo sa kanya nang makita ko siya sa presscon ng Pitik Bulag ni Gil Portes na ginanap sa Gerardo’s, isang retaurant na paboritong puntahan sa Panay Ave., QC. Hindi siya kasama sa cast at lalong wala siyang kinalaman sa produksiyon. Naroon siya hindi lamang nung araw na ‘yun kundi araw-araw at gabi-gabi dahil tumutulong siya sa pamamahala ng restaurant na negosyo ng kanyang pamilya. Bukod sa Panay, meron pang dalawang branches ang Gerardo’s sa Cainta at Sun Valley, Paranaque.

Isa ring hostorical film ang kasalukuyang ginagawan niya ng paghahanda. Tumutulong siya sa ginagawang research dahil kailangang precise ang facts tungkol sa naganap na death march pagkatapos ng world war ll.

Ito ang tema ng kanyang gagawing pelikula na naka-iskedyul magsimula ng shooting sa Nobyembre. Gusto niyang maging bida rito kundi man si Cesar Montano ay si Raymond Bagatsing.

***

Masaya si Marco Alcaraz dahil tapos na niya ang Pitik Bulag kapareha ang baguhang si Paloma. Mapagtutuunan na niya ng pansin ang iba pa niyang mga trabaho. Magiging bahagi siya ng teleseryeng Rosalinda habang patapos naman ang trabaho niya sa Zorro. Love interest siya ni Piedra sa revival ng Mexican telenovela. At excited siya sa kanyang role kahit di pa niya alam kung sino ang gaganap sa role ng kanyang kapareha.

Happy din ang lovelife ni Marco. Close na sila uli ni Isabel Oli, at ganundin ni Paolo Contis, ex ni Isabel.   

They talk about everything except Isabel. Wala pa siyang plano para sa dalagang aktres dahil magulo pa ang buhay nito.

***

Napaka-bait naman ng Showbiz Central dahil isang linggo bago ang pinaka-aabangang anniversary nito, isa-isa munang palalayain sa matitinding intriga ang mga kontrobersyal na celebrities.

I’m sure mapapa-ibig kayo ng baguhang si Carla Abellana sa kanyang first live interview bilang Rosalinda.

At sina Patrick Garcia at LJ Reyes, ipagtatanggol ang mga sarili nila sa mga isyung kinakaharap nila. Only the truth will set them free.

Show comments