MANILA, Philippines - Isa si Billy Crawford sa mga rare na homegrown artists na tunay na may world-calss talent na nakilala pa nga sa Europa at bumenta ang record ng mahigit two million copies sa buong mundo.
Ngayong may solo album na uli si Billy at dito pa sa Pilipinas, mapapakinggan uli ang versatility niya sa pagkanta at pagsayaw. Inilabas ng Universal Records ang Groove at inaasahang magiging matunog sa airwaves at records sales.
Kung matatandaan, naging international hit ang album niyang Trackin’ at certified platinum pa nga sa France. Nag-No. 1 ito sa Holland. No. 2 sa Belgium, No. 3 sa Switzerland, at No. 20 sa Germany.
Ang sumunod niyang Ride album ay nag-platinum uli sa France at nag-gold sa Switzerland.
Malaki ang tiwala ng singer-dancer sa ginawang konsepto ng Universal Records sa Groove album niya na puro classic ng ’70s at ’80s ang mapapakinggan.
“We listened to hundreds of songs together and came up with a repertoire that will really work with my own interpretation. May faith sila sa akin bilang artist, sila ang nag-supply ng musical magic sa new album ko,” say ni Billy.
Ang ilan sa mga paborito niyang awitin sa Groove ay ang Rock With You at Human Nature ni Michael Jackson, You’ve Got a Friend ni James Taylor (ka-duet si Nikki Gil), One Last Cry ni Brian McKnight, at ang Mercy, Mercy Me ni Marvin Gaye.