Kuwelanovela couple balik-TV

MANILA, Philippines - Humanda sa sa pagbabalik-tambalan nina Joe Cheng at Ariel Lin ng It Started with a Kiss at They Kiss Again sa pinakabago at pinakamakulit na kuwelanovelang handog ng ABS-CBN simula sa Lunes (June 15) - ang Love or Bread.

Sundan ang kuwento ng masipag na breadwinner na si Lalaine, isang bank employee sa umaga at janitress sa gabi, na itatakwil ng kanyang pamilya matapos nitong piliin na sumama sa kanyang kasintahan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay hihiwalayan lang pala siya ng boyfriend niya kaya naman si Lalaine ay naiwang walang pera, walang pamilya, at walang uuwian.

Dito niya makakatagpo si Albert, isang tamad na binatang walang patutu­nguhan sa buhay, na pawang sakit sa ulo ang dala sa buhay niya. Masasangkot pa siya sa gulong pinasok ni Albert matapos niyang iligtas ang buhay nito sa kamay ng isang grupo ng mafia. Sa kanilang muling pagkikita ay aksidenteng mapapasakamay ni Lalaine ang isang singsing na natitirang yaman ni Albert at gagamitin ito para magsimula ng bagong buhay. 

Kaya naman ang instant enemies, naging instant housemates! Paano kung sa kanilang paghahanap ng pera at marangyang buhay, ay may mahanap silang iba sa isa’t isa? Pagdating sa pag-ibig, isip muna bago puso? O puso bago isip?

Tunghayan ang nakakakiliting kuwento ng pag-ibig ni Albert at Lalaine simula sa Lunes (June 15) sa Lover or Bread, pagkatapos ng Mr Bean.

Samantala, tuluy-tuloy din ang drama at kilig ng nag-iisang Asianovela pheno­menon sa bansa na Boys Over Flowers bago ang TV Patrol World.

Ngayong Linggo, malalaman na ni Jan Di ang tunay na dahilan kung bakit binugbog ni Jun Pyo ang ka-date ni Gail. Patatawarin siya ng binata sa kondis­yong kailangan niyang sabihin ang mga katagang, “Honey, I’m sorry.”

Sosorpresahin din ni Jun Pyo si Jan Di sa kanilang hardin at mas lalo pang bubuksan ang sarili sa pamamagitan ng pagkuwento ng kanyang kabataan. Ang masinsinang usapang ito ay mauuwi rin sa pinakaabangang first kiss ng dalawa!

* * *

Sa gitna ng pag-aalinlangan, suot ni Zorro ang kanyang maskara upang maging bayaning tagapag­sulong ng kabutihan at katarungan.

Ngayong gabi, pahihirapan ni Ramon si Fidel at kalaunan ay papatayin din. Ihahayag ni Cara kay Juana ang intension nitong tumakas mag-isa upang makahingi ng tulong kay Zorro. Mapapaiyak sagalit si Padre Felipe nang makita sa labas ng simbahan ang walang-buhay na si Fidel. Ipaghihiganti raw ng pari ang pagkamatay nito. 

Maririnig nina Antonio ang pagtawag ni Lolita. Nagdedeliryo pala ito. Makakatakas si Cara sa Casa Impierno bagama’t duguan na siya sanhi ng pagka­kasaksak sa kanya ng isang Taong-Puti.

Makakarating ito kay Bella sa taverna ni Shihong.

Dadalhin ni Zorro ang walang-malay na si Lolita kay Shihong at magbibigay ng pera kapalit ng panu­nuluyan nito at ng pamilya niya. Nang magka­malay si Lolita ay tuwang-tuwa ito na buo na ulit silang pa­milya. Pinagdududahan niya na tila si Antonio ang sumagip sa kanya at hindi si Zorro dahil sa boses nito ang naaalala niya. Mapupugutan na ng ulo si Agustin.

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng Zorro sa TV ratings gabi-gabi. Base sa overnight ratings ng AGB Nielsen Philippines, nakapagtala ito 33.9% rating noong Lunes at 33% noong Martes.  

Show comments