Rhian nakipag-split kay JC

Seen : Hindi convincing ang sagot ni Erik Johnston Chua sa SNN na hindi niya kinopya ang mga sex video ni Hayden Kho, Jr.

Scene : Ayaw magpainterbyu nina Erik Johnston Chua, Dr. Mark Herbert Rosario at Hayden Kho, Jr. sa GMA 7.

Pinili nila na magsalita sa ABS-CBN.

Seen : Ang rebelasyon ni Dr. Mark Herbert Rosario na itinuring niya na tunay na kapatid si Hayden ngunit nakipagrelasyon ito sa kanyang girlfriend.

Hindi talaga mapagkakatiwalaan si Hayden.

Scene : Ang unang taping day kahapon sa Batangas ng Tagalog version ng Rosalinda, ang Mexican telenovela na tinampukan noon ni Thalia.

Seen : Ang balita na hiwalay na sina Rhian Ramos at JC De Vera.

Si Rhian ang nakipaghiwalay dahil hindi raw bagay sa kanyang mundo si JC.

Scene : LOL ang pamagat ng romantic comedy movie ni Vic Sotto at ng Thai model/actress na si Paula Taylor. LOL as in Love On-line at hindi Laugh Out Loud.

Co-prod ng M-Zet Films at OctArts Films ang LOL.

Seen : Magaling na artista ang child actor na si Nash Aguas ngunit hindi na siya nabigyan ng sariling show sa kanyang mother studio.

Scene : Ang magandang panahon na panalangin ng fans ng Pussycat Dolls.

Mamayang gabi ang concert ng Pussycat Dolls sa open grounds ng Mall of Asia.

Show comments