Pag-amin na bakla ni Adam Lambert hindi na nakakagulat

“I don’t think it should be a surprise for anyone to hear that I’m gay,” pag-amin ng runner-up sa American Idol na si Adam Lambert sa interview ng Rolling Stone Magazine sa America.

“I’m proud of my sexuality. I embrace it,” dagdag niya sa nasabing interview ng Rolling Stone.

“I was worried that [coming out] would be so sensationalized that it would overshadow what I was there to do, which was sing. I’m an entertainer, and who I am and what I do in my personal life is a separate thing,” sabi pa niya.

Naging mainit ang issue ng pagiging gay ni Adam nang matatapos na ang American Idol last month lang.

Hmmm, dito kaya sa atin may aamin ng ganyan?

* * *

Mukhang malalim nga ang mata ni Dr. Herbert Rosario nang makausap siya sa exclusive interview ng TV Patrol na napalabas sa lahat ng news prog­rams ng ABS-CBN.

First time na nagsalita ni Herbert after na madawit ang pangalan niya sa Hayden Kho-Katrina Halili sex scandal.

Itinanggi rin ni Dok Herbert na may kinalaman siya sa kumalat na mga sex videos ng tinuturing niyang kaibigan at frat mate na si Dr. Hayden. Pero inamin niyang sumama ang loob niya sa kaibigang doctor nang aminin ng girlfriend niya noong 2008 na nagkaroon sila ng relasyon ni Hayden. Pero kahit sumama ang loob niya, “I can honestly say na napatawad ko na siya,” sabi ng doctor.

Ayon pa sa interview ni Jay Ruiz, siya pa ang nag-check kay Hayden nang malaman nilang magpakamatay ito at nagdala pa sa Makati Medical Center.

At lumabas na rin daw siya dahil hindi na rin siya makatulog at makakain sa pagkakadawit ng pangalan niya.

 Anyway, si Dra. Vicki Belo na lang hinihintay magsalita.

Balitang kakasuhan din ni Dra. Belo si Katrina matapos itong maunang magsampa ng kaso.

* * *

salve@philstar.net

Show comments