Young actress two years nang itinatago ang BF na dancer

Maingat at malihim ang young actress na produkto ng reality show sa kanyang personal life dahil hang­gang ngayon, nailihim niya sa press ang pakikipag-re­lasyon sa boyfriend na dancer sa isang pang-Sunday show. Two years na ang relasyon ng dalawa at close friends lang nila ang nakakaalam at tiyak kaming kahit ang malalapit niyang fans ay hindi alam ang tungkol sa itinatagong BF na kasama rin niya sa show.

Kaya pala dedma ang young actress sa mga nali-link sa kanyang guwapo at sikat din namang young actors dahil may nobyo na siya.

Hanggang kailan kaya maitatago ng dalaga ang nobyo at mabuti at okay lang sa lalaki na itinatago siya ng nobya niya?

* * *

Diretsong tanong kay DILG Sec. Ronnie V. Puno ng entertainment press kung bakit gusto niyang tumakbong vice president at diretso rin nitong sinagot. Unlike the other aspirants na hihintayin pa ang right time to announce their candidacy para ’di maakusahang nagba-violate ng Comelec. Tiniyak nitong may election sa 2010, taliwas sa kinatatakutang magkaroon ng No-El o No Election next year.

Binanggit sina Batangas Governor Vilma Santos at Sen. Kiko Pangilinan na posibleng makalaban ni Sec. Puno sa vice presidential race at heto ang pahayag niya:

“Ayokong makipag-away, Kiko is a good senator and he has three years pa sa senado. Si Gov. Vi, ang tingin ko, ang maglingkod sa Batangas ang puso niya. First term pa lang niya at wala siyang kalaban ’pag tumakbo for her second term. Sa tingin ko, matutulungan niya si Ralph Recto na maibalik sa senado dahil napaka-talino ni Ralph.”  

Ang talagang inilapit ni DILG Sec. Puno sa entertainment press ay para ipaalam na may women’s desk na sa bawat presinto na puwedeng pagsumbungan at mahingian ng tulong ng mga babaeng biktima ng pang-aabuso. Policewoman ang inilagay ng DILG sa Women’s Desk para hindi mahiyang magsumbong ang mga biktima.

* * *

Sa tanong kung siya na ang next big star ng GMA 7 dahil isa siya sa apat na bida ng Adik sa ’Yo, sabi ni Jennica Garcia, hindi niya iniisip ang tungkol doon, pero inaming overwhelmed siya sa malaking project na ibinigay ng network kahit baguhan pa lang siya.

“Isipin ko pa lang na kahilera ko ang magagaling na artista, masaya na ako dahil hindi ko inisip ito. Isa pang ikinatutuwa ko ang comment na may chemistry kami ni Dennis (Trillo) dahil ’di naman kami loveteam. Magandang compliment sa akin yun,” wika ni Jennica.

Nakunan na ang isa sa mga kissing scenes nina Jennica at Dennis na kaya natagalan dahil iba’t ibang shots. Wala sa script ang kissing scene at ginulat ni direk Joel Lamangan si Jennica nang sabihing maghalikan sila ng actor dahil kailangan.

“Nahiya akong kahalikan si Dennis dahil kuya ko siya sa Gagambino, pero ginawa ko pa rin ng walang reklamo dahil ayokong mapagalitan ni direk Joel. Saka gumawa na rin naman ako ng kissing scene kay Mart Escudero, baka sabihing ang arte-arte ko kung tumanggi ako,” sagot ng young actress.

* * *

Na-meet namin sa presscon ni DILG Sec. Puno si Mr. Peter Sing na ipinakilala ng editor naming si Salve Asis na owner ng Pan de Pidro. Ibinalita nitong may 35 outlets na sila at mukhang darami pa sa mga darating na araw dahil open sila for franchise.

Nakuwento rin ni Mr. Sing na Peter Pan ang unang naisip ng kanyang mga anak na ipangalan sa bakery nila, pero nang ipapa-rehistro na nila sa DTI, may nauna nang nagpa-register, kaya ginawa nilang Pan de Pidro.


Show comments