Claudine nag-ampon uli

Malungkot ang kuwento ng Kamoteng Kahoy na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Iyakan na sa halos umpisa pa lang ng pelikulang dinirek ni Maryo J. delos Reyes na pang-lima sa anim na pelikulang kasama sa Sine Direk Series.

Ang pelikula ay base sa nangyaring trahedya sa Bohol kung saan 27 elementary students ang namatay nang malason sa kamoteng kahoy na binibenta ng isang lola sa isang school sa nasabing probinsiya na ‘di sinasadyang nahaluan ng pesticides base sa imbestigasyon.

Matagal nang nagbebenta si lola (na ginagampanan ng premyadong aktres na si Ms. Gloria Romero) ng meryendang kamoteng kahoy sa nasabing eskuwelahan. Marami na siyang suking mga bata na itinuturing na niyang mga apo. Isang araw, the usual day, nagbenta siya. Pero hindi pa nakakaalis sa puwesto niya ang mga bata ay nagsuka na ng dugo ang ilan. Umabot sa halos isang daang bata ang nalason at 27 ang namatay.

Ramdam mo ang sakit sa mga eksena sa pelikula lalo na ang role ni Marissa Sanchez na isa sa inang nalason at namatay ang anak na ang pangarap ay maging artista.

Iiyak ka sa mga eksenang nalason ang mga bata na isinakay na sa isang truck habang nag-iiyakan ang lahat para dalhin sa hospital.

Maiiyak ka rin sa character ni Lola na tinanong ang Diyos kung bakit nangyari ‘yun samantalang 20 years na niyang ginagawa ang pagtitinda ng kamoteng kahoy na nagpa-aral sa kanyang mga anak na iniwan siya maliban sa isa. Sinasabi niyang araw-araw naman siyang nagdadasal at 20% ng kanyang kinikita ay ibinibigay niya sa simbahan kaya grabe ang iyak niya sa nangyari sa mga itinuturing niyang apo.

Magaling din sa pelikula si Nash Aguas na bidang bata na nakaligtas sa mga nalason.

Basta panoorin ninyo ang pelikula dahil magaling din ang batang si Buboy Villar at si Irma Adlawan na nagpapahirap sa kanya.

Showing today ang Kamoteng Kahoy.

* * *

Sa kabila ng patung-patong na kontrobersiya, hindi naman pala apektado ang beauty clinics ni Dra. Vicki Belo. Mismong ang TV host at kasamahan sa CEB na si Butch Francisco ang makaka-attest dito.

The other day, nagpa-freak siya ng pimples sa Belo Clinic sa Greenhills. Kagagaling niya lang kasi ng Amerika para sa interview kay Sandra Bullock (may magandang kuwento si Butch about Sandra) at nagkaroon siya ng allergy kay bumisita siya sa Belo. Supposedly ay 7:00 p.m. ang schedule pero inabot siya ng 8:30 dahil maraming clients.

Incidentally, dumating na kahapon ng 11:00 a.m. si Dra. Belo kasama ang dalawang anak na sina Crystalle at Direk Quark.

Nasalisihan ni Dra. Belo ang ilang media dahil ang alam nila ay ngayong araw pa lang ang dating niya.

* * *

Nag-ampon na naman pala ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto ng batang babaeng sanggol.

Yup, hindi pa nakuntento ang mag-asawa sa dalawang anak.

Mag-ala Angelina Jolie kaya si Claudine?

Show comments