Seen : Ang kaso na isinampa ni Katrina Halili laban kay Dra. Vicki Belo. Naki-share na nga noon si Katrina sa boyfriend ni Dra. Belo, idinemanda pa niya. Ipinakita ni Katrina ang kanyang tunay na kulay.
Scene : Ang pag-aalinlangan ng mga imbestigador sa kuwento na biktima ng Ativan Gang si Royette Padilla. May hinala na nakatulog si Royette sa loob ng kanyang sasakyan dahil sa sobrang kalasingan.
Seen : Ang denial ng dating sexy star na si Angela Perez na lasing siya nang mabangga niya ang apat na katao sa Olongapo City.
Dalawa ang sawimpalad na namatay. Humihingi ng kapatawaran si Angela sa mga naulila ng kanyang mga biktima.
Scene : Ang apology ni Candy Pangilinan sa City Council ng Baguio City dahil sa kanyang ethic slur laban sa mga Igorot. Hindi na idedeklara na persona non grata sa Mountain Province si Candy dahil sa paghingi niya ng paumanhin.
Aral sa lahat, partikular sa mga komedyante ang nangyari kay Candy. Mag-ingat sa pagbibitaw ng salita at huwag gawing katatawanan ang kapwa.
Seen : Mainit ang pagtanggap ng publiko sa pagbabalik ni Ted Failon sa radio program nito sa dzMM at TV Patrol World.
Scene : Ang blocking nina Rhea Santos at Arnold Clavio sa pagbibigay nila ng mga balita sa Unang Hirit.
Walang ipinagkaiba ang blocking nila sa blocking nina Boy Abunda at Kris Aquino sa SNN.
Seen : Kakandidatong gobernador ng Bohol si Amay Bisaya sa 2010. Isa si Amay sa mga magiging kalaban ni Cesar Montano para sa pagka-Gobernador.
Scene : Ang 25.4% rating ng pilot telecast ng Adik Sa’Yo laban sa 28.2 % rating ng Tayong Dalawa.
Hindi naadik ang manonood sa unang pagtatanghal ng Adik Sa’Yo.