Baby James may choreographer na

Kung may isang celebrity na matatawag mong talagang showbiz na showbiz, ito’y si Kris Aquino. Biruin mo, pati ang bunso niyang si Baby James ay payag siyang mag-artista na, ini-encourage niya ito.

This early, choreographer Mel Feliciano is starting to teach him how to dance. At kahit bata pa, may mga moves nang natutunan ang anak ni Kris, patunay na gusto rin ng bagets ang gusto ng nanay niya. Pero, gusto rin kaya ng daddy niyang si James Yap?

At the moment, sick si baby James, pati ang kuya nitong si Josh. Akala ni Kris may dengue ang mga anak kaya yung nakasarang fountain nila ay biglang pinaandar niya para hindi ito pagsimulang tirhan ng mga lamok, na talagang pwedeng mangyari kung hindi tumatakbo ang tubig nito.

* * *

We’re happy for Rica Peralejo na tinanggap na ang proposal ng kanyang pastor boyfriend na si Joseph Bonifacio na kahit 10 months pa lamang niyang nakikilala ay mabilis silang naging best friends na humantong sa kanilang pagkakamabu­tihan. If ever, naka-sked tentatively ang kanilang ka­sal sa December na balak nilang gawing isang bonggang Christian wedding.

Inamin ni Rica na sa kabila ng kanilang engage­ment, hanggang pahawak-hawak ng kamay pa lamang sila ni Joseph, hindi pa sila nagki-kiss na si­na­sabi niyang pa­nga­ngatawanan niya until their wedding day.

* * *

Kung hindi pa ipi­nakilala ni Regine Ve­lasquez sa birthday special na ginawa si Eva Castillo ay hindi pa makikilala ng public ang naging mortal na katunggali niya sa halos lahat ng singing con­tests na sinalihan niya nung nagsisimula pa lang siya.

Ngayon, may nagsisimula nang showbiz career si Eva, kumakanta na ito sa mga comedy bars at very supportive naman sa kanya si Regine.

* * *

Isa ring anak ng dating jukebox king na si Victor Wood ang nagta-try na makilala sa mundo na pinamayanihan ng kanyang ama noon.

Maganda ang boses ni Simon Wood na tulad ng kanyang ama ay isa ring songwriter. Dito ay ini-encourage siya ng kanyang ama dahil marami mang marunong kumanta sa Pilipinas, kokonti lamang ang masasabing singer/songwriter, at dito gustong mag-excel ni Simon.

Marami ang naniniwalang malaki ang tsansa niyang magtagumpay dahil maganda rin ang looks niya.

Show comments