Panganganak na may TV coverage sinimulan ni Giselle

Wala akong masabi kay Giselle Sanchez, na­­gawa pa niyang pakunan sa TV ang panganganak sa kanyang pangalawang anak. Nakita tuloy ng lahat kung paano siya naghirap na maisilang ang kanyang baby.

May napanood na akong ganitong coverage noon, pero foreign star, ngayon lang ako nakapanood ng isang local celebrity na kinukunan ng TV camera habang nanganganak. Hindi ko lang alam kung tanggap na ito ng manonood natin pero sinimulan na ng comedy actress.

Sino kaya ang susunod na manganganak na magkakaroon din ng TV coverage?

* * *

Bilib rin naman ako sa anak-anakan kong si Billy Crawford, pinipilit gawing private ang kanyang lovelife. Except for the identity of his loved one (Nikki Gil), wala ka nang malalaman tungkol sa kanilang relasyon. Mahirap ito dahil malaki siyang artista, but so far, he is succeeding. Pero nakalusot din yung balitang birthday dinner niya with Nikki and her whole family.

* * *

Si Ruffa Gutierrez, pinalayas ng bahay ng mom niyang si Annabelle Rama? Parang hindi ako makapaniwala. Maaaring nagkaroon sila ng grabeng away pero never siyang paaalisin ng bahay ng mom niya, lalo’t kasama ang dalawang anak niya. Ganun ko kakilala si Annabelle, unless nagbago na siya.

Sana maayos nila ng mabilis ang mga differences nila na sabi ay nag-uugat daw sa ’di pagsang-ayon ni Mama Annabelle sa bagong manliligaw ni Ruffa. Meron? Merong bagong suitor si Ruffa? Sino kaya ang malakas na loob ng lalaking ito?

Show comments