Aleck pinabayaan ang anak kay Carlo
Yung sinasabing love na buong tapang na ipinaglalaban noon nina Carlo Maceda at Aleck Bovick at humantong sa pagkakaroon nila ng isang anak ay nawala rin pala. Naghiwalay din pala sila at sa maikling panahon ay pareho na silang nakakita ng bagong karelasyon. Pero ang anak nila ay naiwan sa kandili ni Carlo. Tsk. Tsk. Tsk.
* * *
Hindi lamang pala ako ang tutol sa pagpasok ni Manny Pacquiao sa pulitika, ganundin si dating Manila Mayor Lito Atienza. Katuwiran nito, dapat mag-concentrate na lamang si Manny sa sports at pabayaan na ang pulitika sa mga pulitiko.
Totoo nga naman. Marami siyang parangal na tinatanggap bilang isang boksingero, tulad ng pagiging 57th Most Powerful People in the World sa Forbes Magazine na mayroon $40M na kita. Isa rin siya sa 100 Most Influential People in the World ng Time Magazine. Bilang isang pulitiko, hindi niya makakamtan ang mga ganitong parangal.
Kung sabagay. Gaano man siya kahusay sa time management, hindi niya mapagsasabay ang pulitika, sports at showbiz. Kailangang may i-give up siya. Siyempre, hindi ang boxing dahil dito siya nakilala, nagkapareha at hinangaan ng mundo. Puwede nang walang showbiz at politics at mari-retain pa niya ang kanyang mataas na posisyon, di lamang sa mundo ng sports kundi sa paningin ng lahat ng tao, sa buong mundo.
O, may hirit ka pa ba. Manny?
- Latest