GMA nakaalalay kay Katrina
Ngayong normal na niyang nabalikan ang kanyang buhay matapos ang malagim na pangyayaring kinasangkutan niya kung saan ay nabuwis ang buhay ng isa niyang PA, gusto naman ni Richard Gutierrez na matulungan ang pamilyang iniwan ng kanyang PA, ang asawa’t mga anak nito. Sa ngayon, hindi pa alam ni Chard kung paano, pero gusto niyang makatulong sa kabuhayan ng pamilya nito at sa pag-aaral ng mga anak na naiwan.
Humihingi pa ng advice si Richard tungkol dito pero ang sigurado, hindi niya pababayaan ang pamilya ng kanyang PA.
Samantala, pagkatapos na pagkatapos niyang maka-recover sa kanyang aksidente, when he felt well enough to resume his life, una niyang ginawa ang magdaos ng Misa para sa kanyang ikalawang buhay, pasasalamat din ito sa maraming blessings na tinatanggap niya.
Hindi naman nakakalimot si Chard sa Panginoon kaya patuloy siyang binibiyayaan Nito.
* * *
Ngayon ko lamang mabibigyang papuri ang Eat Bulaga at ang mga taong nasa likod nito, mula sa producer, hosts, stars, staff hanggang sa kaliit-liitang empleyado nito, dahil sa napaka-gandang gesture na ginawa nila sa pagdiriwang ng ikatlong dekada ng EB sa ere.
Imbes na gumastos para sa isang bonggang selebrasyon, pumili na lamang sila ng 30 matatalinong estudyante nationwide, dinala ito sa estudyo at pinarangalan. Isang magandang programa ang ibinigay nila sa 30 students at matangi sa apat na taong scholarship o libreng pag-aaral sa high school sa kanilang lahat, binigyan din sila ng libreng school supplies, school uniforms, shoes at pagkatapos ng show, all the honorees including their parents were treated to a blowout bash.
Muli, binabati ko si Antonio Tuviera sa kanyang isa na namang tulong sa mga matatalinong bata na nahihirapang magkaroon ng edukasyon para pagkatapos ay makaangat sa buhay.
Matatandaan na si G. Tuviera rin ang nasa likod ng Sine Direk Series na ang kikitain ay mapupunta rin sa edukasyon ng mga anak ng manggagawa sa industriya ng pelikula.
* * *
Wala raw trabaho si Katrina Halili ngayon. Masyado siyang naapektuhan ng sex video scandal kung kaya pati endorsements niya, nangawala! Well, ‘yun ang dapat niyang pagtiisan ngayon, habang may kaso siyang ipinaglalaban. Talagang hindi madali ang pinasok niya, marami siyang dapat isakripisyo, bukod sa trabaho at kita, mawawalan din siya ng panahon para sa maraming bagay, pagtutuunan din siya ng pansin ng lahat, lahat ng galaw niya ay papansinin. At siyempre, hindi ganun kadali ang magiging kaso niya, pag-iisipan din siya ng istratehiya ng kalaban, gagawin ang lahat para siya matalo. Kailangan talaga niyang maging matapang kung gusto niyang magtagumpay.
Hindi naman siya mawawalan ng trabaho, nakaalalay sa kanya ang GMA 7, anumang oras na kayanin niya, makakabalik siya sa trabaho niya. ‘Yun nga lamang bago ito, isang mahirap na laban muna ang pagdadaanan niya.
- Latest